Chapter Forty-one

8.3K 165 9
                                    

[YNA’S  POV]

Whoah! December 24 na! Pagkatapos bukas christmas na! Excited na ako kasi ito ang first christmas na kasama namin si Kuya Josh.


“Baby! Tara na, nasa airport na raw sila Mom.” tawag ni kuya mula sa baba kaya sumigaw ako ng 'Bababa na po!'


Since christmas na bukas, syempre uuwi sila Dad kaya susunduin namin sila sa airport ni Mom.

Pagkatapos namin silang masundo ay namili kami ng mga ingredients ng lulutuin namin for Noche Buena. Marami ngang tao e kaya medyo natagalan kami. Pagkatapos ay nagpaalam ako kay Mom at Dad na may pupuntahan pa ako.

“Mom may pupuntahan lang po ako.

“Okay pero hanggang 7 pm ka lang.” remind ni Dad tumango naman ako bilang sagot.

Nandito na ako sa mini park malapit sa school namin. Magkikita kasi kami ni Kean dito ngayon. Si Ash naman umuwi sa parents niya doon kasi siya magpapasko.

“Boo kanina ka pa ba dito?” tanong ni Kean na kakarating pa lang.

“Nope” Sagot ko.

“Let’s go?” Tumango lang ako bilang tugon.

Pumunta kami ni Kean sa mall. Bibili daw kasi siya ng gifts. Ayun nag ikot-ikot kami tapos binilhan namin ng gift si Kuya Josh, Ma'am Angel, Miko, Hiro at Ash. Binilhan ko rin sila Mom at Dad ng gift. Nang mapagod kami umupo muna kami sa bench.

“Boo dito ka lang ha? Ibibili lang kita ng drinks.” paalam niya.

“Mm” Sagot ko. Naghintay naman ako doon at habang naghihintay ako ay binati ko ang friends at classmates ko ng advance merry christmas through text.

“Ang tagal naman ni Boo” tumingin ako sa relo ko dahil ilang minuto na ang nakalipas at wala pa siya.

After a few more minutes ay dumating na rin siya na dala ang inumin na binili niya.

“Here” inabot niya ang inumin ko.

“Ang tagal mo naman” reklamo ko tapos nagpout.

“Alam mo nakakatempt pag nagpa-pout ka.” bigla niyang sabi na ikinakunot naman ng noo ko.

“Ha? Nakakatempt na ano?” tanong ko.

“Natetempt akong i-Kiss ka.” Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Kaya naman pinalo ko siya sa braso.

“Boo naman!” tinawanan niya lang ako at ginulo ang buhok ko.
* *
By 6PM ay nagpasya kaming umuwi na. Ihahatid ako ni Kean sa bahay

“Boo sinong kasama mo sa pasko?” tanong ko bigla.

“Wala” Automatic niyang sagot at hindi man lang tumingin sa'kin. Wala?

“Ha? Hindi mo ba kasama parents mo?” tanong ko.

“Hindi kasi sila makakauwi.” Sagot niya. I felt sad for him. Kawawa naman ang Kean ko...mag-isa lang siya sa christmas.

Matapos niyang sumagot ay wala ng umimik pa. Nagpatuloy lang siya sa pagmaneho. Gusto ko maging masaya ang boo ko sa christmas.

“Boo, sa amin ka na lang magspend ng christmas” suggest ko.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now