Chapter Twenty

10.8K 257 49
                                    

[Yna's POV]

Nandito ako ngayon sa labas ng gym at nasa may fountain. Kasama ko 'yung mystery partner ko, dito niya ako dinala at may sasabihin daw siya sa'kin.


Umupo kami sa side ng fountain at agad ko siyang tinanong. "Ano nga pala ang sasabihin mo sa'kin?" curious talaga ako sa kung ano man ang sasabihin niya.



Hindi niya ako sinagot dahil bigla siyang humarap sa'kin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Bibitaw sana ako pero pinigilan niya ako. May bigla rin akong naalala dahil sa posisyon namin na 'to. Si Sir Kean ang naaalala ko. Nung nasa resto kami sa may garden, 'yung time na may sasabihin din siya pero hindi nga lang natuloy.


Napailing naman ako dahil dun. Kanina ko pa iniisip si Sir Kean. Nasaan kaya siya?


"Matagal ko na gustong sabihin sayo 'to." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. 


"Yna, alam mo ba nung 2nd year ka pa lang lagi na tayong nagku-krus ng landas? Pero alam kong hindi mo naman ako mapapansin kasi ang dami dami mo namang nakakasalubong. Lagi rin kitang nakikita hanggang sa isang araw, naging habit ko na ang titigan ka mula sa malayo at sundan ka. ewan ko nga kung bakit, pero isang araw nagising na lang ako na gusto na pala kita...Yna, I like you." seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"....."

"I really really like you Yna." he said whilst staring at me intently and slowly removing my mask.

He slowly leaned closer towards me. And I thought my heart was going to burst because of its fast beating and from nervousness.

What should I do?

His face was inch closer to mine. I don't know what's gotten into me but I suddenly closed my eyes. I can feel his warm breath and my heartbeat doubled its pace.

Seconds later, I felt his soft lips pressed together on my lips. I felt again my heartbeat quicken its pace.

H-he was my first kiss. Who is this guy? Why did he kiss me? And why is my heart acting abnormal.

When I can't feel his lips anymore, I slowy opened my eyes. Napakunot ako ng noo nang makita kong suot niya pa ang maskara niya. Sino ba talaga ang lalaking 'to? Bakit niya ako kilala?


Hanggang sa tinanggal na niya ang maskara niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Mas lalo pang bumilis 'yung tibok ng puso ko.


"I like you Yna. Can I court you?" tanong ni Sir Kean.


Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Si Sir Kean g-gusto ako? Si Sir Kean ang f-first kiss ko. Bakit ayaw magsink in sa utak ko? Siya ba talaga ang lalaking nasa harap ko? Kanina ko pa siya hinahanap at all this siya pala ang kasama ko.


"Yna, can I court you?" nabalik lang ako sa aking senses nang magtanong ulit si Sir. Hawak hawak pa rin niya ang mga kamay ko.


Bakit ganito ang nararamdaman ko? 'Yung stomach ko hindi ko maintindihan, parang may something. Idagdag pa ang unsual act ng puso ko.

Pero ako? Gustong ligawan ni Sir? Hindi pwede eh dahil teacher ko siya. Kaibigan siya ni kuya Josh...parang kuya na rin ang tingin ko sa kanya.


"Yna?" napatingin ako sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ko.


"I-I'm sorry sir pero...teacher lang po ang tingin ko sa inyo." nakayuko kong sabi. Bumitaw din ako sa pagkakahawak niya.


Tumayo na ako para umalis pero pinigilan niya ako.

"Please give me a chance...Yna" sabi niya at 'yung boses niya ay nagcrack na.


"I-I'm really sorry sir Kean." malungkot kong sabi at iniwan siya.


Hindi pa nakakalayo ay nilingon ko siya... he's crying.


Bigla akong nakaramdam ng pagkirot sa may dibdib ko. At hindi ko na namalayan na tumutulo na rin pala ang mga luha ko. I'm so sorry Sir Kean.


Tumakbo na ako palabas ng gym at hinanap ang sasakyan ni kuya Josh.

Bakit ako umiiyak nang makita kong umiyak si Sir Kean? Bakit parang nasasaktan ako?
- - - -
[Josh's POV]

Kumusta na kaya ang confession ni Kean sa kapatid ko? Sana positive ang result. Sinabi kasi sa'kin ni Kean ang plano niya.

4th year kami 'nun ng magsimula ang pagkagusto niya kay Yna. Lagi kasing nagku-krus ang landas nila ni Yna at lagi niya ring nakikita sa college lounge. Ayun nga, dahil sa araw-araw niyang nakikita si Yna bigla niyang sinabi sa'kin na gusto na niya raw ang kapatid ko. Kaya ayun sinasamahan ko siyang sundan si Yna.

Tuwing MWF, dumadaan kami sa B-building para lang tingnan siya. Tapos pag TTH naman sa C-building dahil doon ang classrooms ni Yna. Ang creepy nga ni Kean at siya lang stalker na hindi pa alam ang pangalan ng iniistalk niya.

Hanggang sa grumaduate na lang kami, di pa niya nasasabi kay Yna ang nararamdaman niya at di pa rin niya alam ang pangalan nito. Hindi ko nga akalain na kapatid ko pala sa ama ang matagal ng gusto ni Kean. Nung malaman ko yun naka-isip ako agad ng paraan para magkakilala ang dalawa pero huli na pala, kilala na pala nila ang isa't-isa dahil nga sa naging teacher si Kean sa Otaku.


Habang nagre-reminisce ako bigla kong nakita si Ash na tumatakbo papunta sa direction ko. Tapos na ba ang socials? Tinignan ko ang relo ko 10:00 PM pa naman, mga 12 pa sila matatapos ah.


Lumabas ako ng kotse at napansin kong umiiyak pala si Ash. "Bakit? May nangyari ba?" worried kong tanong.

Niyakap niya lang ako saka umiyak sa balikat ko. "Kuya Josh ang sakit po. Ang sakit sakit" iyak niya kaya hinagod ko naman ang likod niya.

"Anong masakit sa'yo? Ano bang nangyari?"


"Bakit ganun siya? Ang tagal naming nagsama pero bakit ni katiting hindi niya man lang ako nagustuhan? Bakit nagmahal na siya agad? Ayoko na sa kanya! Hindi niya man lang ako binigyan ng chance." naiiyak niyang sabi.


Iyak pa rin siya ng iyak habang nakayakap sa'kin. Mukhang alam ko na kung bakit siya umiiyak.

"Ssssh...tahan na Ash. Maybe may nakalaan na iba para sa'yo. Kaya tahan na okay?" 

Makalipas ang ilang minuto tumahan na siya at pumasok na sa loob ng kotse. Si Yna na lang hinihintay namin. Papasok na sana ako ulit sa kotse nang makita ko si Yna na tumatakbo rin palalapit sa amin.


"Kuya Josh!" sigaw niya at nang makalapit siya..she was also crying.

"Why baby? May nangyari ba? Why are you crying?" 


"Kuya, I rejected him. Pero bakit nasasaktan ako?" naiiyak niyang sabi kaya niyakap ko siya agad.

Mukhang alam ko na ang dahilan.
- - - -
Chapter twenty end!

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now