Chapter Eight

13.8K 277 29
                                    

[Yna’s POV]

“Oi! Ashly gising ka na! 6:30 na!” sigaw ko kay Ash na kasalukuyang sarap na sarap sa tulog niya.


“Hm.. five minutes more.” sabi niya sa'kin ng hindi man lang gumagalaw.


Aish! Babaeng ‘to ganito pala ito kahirap gisingin?! Kasalanan niya yan eh. Yayain ba naman akong magmovie marathon, sabi pa niya kaya niyang gumising ng maaga; hindi naman pala.


“Anong five minutes more?” niyuyugyog ko na ang braso niya kaso wala pa rin eh. No choice kundi gawin ang ‘Gumising-ka-plan-ko’ humanda ka na Ashly Rodriguez.


Kinuha ko 'yung megaphone na tinatago ko, actually ginagamit din ni Mom dati sa'kin 'yun. At ngayon mukhang magagamit na naman ulit pero hindi sa'kin kundi kay Ashly. Huminga ako ng malalim at saka sumigaw.


“Sunog! Sunog! May sunog! Gumising ka na may sunog!” sigaw ko sa megaphone at pagkasabing pagkasabi ko nun agad namang bumangon si Ashly. Halos madapa na nga eh.


“Nasaan ang sunog? Bat’ nakatayo ka lang dyan?” tanong sa'kin ni Ashly na panic ang expression ng mukha.


Tawa lang ako ng tawa at saka sinabing walang sunog. Nagreklamo naman si Ash pero dumerecho rin naman sa banyo. Makalipas ang ilang minuto natapos na kami sa lahat lahat at nag-aabang na lang ng taxi.


“Humanda ka talaga sa'kin Yna.” Pagbabanta sa akin ni Ashly. Hindi pa rin siya makamove on sa ginawa ko kanina, kaya ayan badtrip.



Dumating na kami sa school at hindi kami late. Paakyat na kami ni Ash nang makita kong makakasalubong namin si Mrs. Kilabot. Patay! Agad ko namang hinila si Ashly para maiwasan namin si Mrs. Kilabot mahirap na baka mapagtripan pa kami.


“Bakit bigla bigla ka na lang nanghihila ha?!” iritableng tanong sa'kin ni Ash.


“Si Mrs. Kilabot makakasalubong natin eh.”



Nagets naman agad ni Ash ang sinabi ko kaya nagtago  muna kami. Ipapauna na lang namin si Mrs. Kilabot. Nakatago pa rin kami ni Ash hanggang sa tumunog na ang bell.



“Time na! Ano ba kasi yang pinag-uusapan ni Kilabot at ng echoserang teacher na yan?!” reklamo ni Ash. Kanina pa kasi si Kilabot nakatayo sa dadaanan namin at may kausap pa siya.


“Hay! Matanda na nga chismosa pa rin! Tsk!” sabi ko kay Ash.


Habang kami ay busy ni Ashly sa pagtago, may bigla bigla na lang kumakalabit sa balikat ko, tinabing ko nga.


“Hay! Tagal naman oh!” reklamo ulit ni Ashly.



Ayan na naman yung kumakalabit sa akin. Ang kulit din ng isang ‘to ah. Tinabing ko ng malakas ang kamay niya. Kabanas!


“Ano ba yan! Hindi pa ba tapos si Kilabot?!” iretableng tanong ko kay Ashly.


“Hindi pa. May patawa tawa pa tsk!” inis na sagot ni Ash.


*poke poke poke*

Ayan na naman ang kumakalabit sa akin. Nakakainis na amg kulit ng lahi!

At dahil sa sobrang inis, hinarap ko ang letcheng kumakalabit sa'kin at saka tinaasan ng kilay at ready ng sigawan. Pero napatigil ako dahil sa si Sir Kean pala ang kanina pang kumakalabit sa akin.


"Sir Kean, bakit po?" tanong ko. Buti na lang at di ako agad sumigaw, naku kung natuloy lagot talaga.


“Time na bat’ nandito pa kayo?” tanong niya sa'min.

Diary ni Teacher{Editing}Where stories live. Discover now