Chapter Thirty-two

8.6K 162 37
                                    

[Yna’s POV]

“Yna sasabay ka  sa'min ni Hiro diba?” tanong ni Ash.

“Hindi baka kasi maka-istorbo ako.”

“Over! Sumabay ka na kasi sige na! Pretty please?” pagpupumilit ni Ash. May magagawa pa ba ako?

“Oo na sasabay na ako” pagsurrender ko.

“Yehey! Miss na kasi kita Yna minsan na lang kasi tayo nagkakasabay papuntang school.”


Friday na pala ngayon tapos nextweek  final exams na namin. Sana naman maka-study ako ng mabuti. Nag-aayos ako ng gamit ko ng bigla na lang tumunog ang doorbell.

“Ash ako na ang magbubukas!” Agad naman akong lumabas at binuksan ang gate at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

“Good morning Yna” masigla niyang bati.

“M-Miko? Anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong ko sa kanya.

“Susunduin ko lang ang girlfriend ko. Ready ka na ba?”

“Ha? S-sandali kukunin ko lang ang bag ko sa loob. Pumasok ka na lang sa kotse mo.” Dali- dali akong pumasok sa loob at kinuha ang mga gamit ko. Shocks! Baka makita siya ni Ash.

“Yna sino ba 'yun?” tanong naman ni Ash.

“W-wala nagtanong lang. Ano...Ash, next time na lang ako sasabay sa inyo ha? Nagmamadali kasi ako bye!” paalam ko at agad agad akong lumabas ng bahay narinig ko pa ngang tinatawag ako ni Ash kaso di ko na siya pinansin.


Nasa kotse na ako ni Miko at nagda-drive na siya papuntang school.


“Miko sa susunod tawagan mo muna ako bago ka pumunta ng bahay.” Sabi ko sa kanya.

“Bakit? Bawal ko bang puntahan o bisitahin ang girlfriend ko?”

“H-hindi, pero kasi hindi pa alam ni Ash ang tungkol sa'tin. Diba hindi pa kayo bati?”

“I understand. Sige next time, tatawag muna ako sa'yo” he said.


Sumandal na lang ako sa bintana ng kotse. Ang hirap naman ng sitwasyon ko. I should tell Miko the truth, pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Sigh. Kung may napagsasabihan lang sana ako ng problema ko ngayon may nag-aadvice na siguro sa'kin. Hindi ko naman kasi pwede sabihin kay Ash.

Napatigil naman ako ng biglang magring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Kean tumatawag! What should I do? Sasagutin ko ba?

“Hindi mo ba sasagutin?” nagulat ako nang magsalita si Miko. Muntik ko na ngang mabitawan ang cellphone ko. Nakakataranta!

“Hindi na, baka isa na naman sa mga prank callers.” Palusot ko.

“Ibigay mo sa'kin cellphone mo. Ako ang sasagot.”

“Ha? Huwag na hayaan na lang natin. Titigil din yan.”

Tumigil naman sa pag-ring ang phone ko kaya agad ko itong sinilent mode at inilagay sa bag ko. Sorry Boo.

Habang nagmamaneho si Miko, ramdam na ramdam ko naman ang pagvibrate ng phone ko. Tumatawag pa rin siguro si Kean. Nagi-guilty tuloy ako gusto kong sagutin ang tawag.


Makalipas ang ilang minuto nakarating na rin kami sa school. Pababa na sana ako ng kotse nang makita ko ang sasakyan ni Kean na kaka-park pa lang. Omo! Hindi niya dapat ako makita.

Diary ni Teacher{Editing}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora