Chapter Ten

11.3K 255 38
                                    

[Kean’s POV]

Good Morning Sunshine. Masaya ako ngayong araw, Monday kasi ngayon ibig sabihin ako ang teacher ni Yna ngayon. Makakasama ko ulit siya.


Nandito na ako sa Otaku University. Tinignan ko ang oras sa relo ko at sinasabi nito na 7:25 AM na, 5 minutes na lang at magti-time na. Pagkatapos kong mapark ang kotse ko ay dumerecho na ako sa faculty room.


“Good Morning Gel!” bati ko kay Angel na naghahanda na para sa klase niya.



“Good Morning too, mukhang masaya ang gising mo ngayon ah.”

“Masaya lang ako. Tara na?”


“Ok, exam na nila nextweek right?” tanong sa'kin ni Gel.

“Yup, so far wala namang mababa ang class standing sa klase ko, sa'yo ba?” sabi ko.


“Sa ibang klase ko, laging absent ang iba. Hay! Kapagod din pala ang maging teacher.” sabi naman niya na sinangayunan ko.


Tama si Gel, nakakapagod ang maging teacher. Now I understand kung bakit sobra magalit ang mga teacher pag maingay, nakikisabay ang mga students sa kanya, at higit sa lahat kapag may student kang may failing grades. But despite of that negative experiences may positive rin naman kaya masaya rin maging teacher.


“Oh! Nandito na pala tayo sa classroom mo, sa dulo pa ang akin. See you later.” pagpapa alam sa'kin ni Angel. Nagpaalam din naman ako sa kanya.


“Good Morning class!” masigla kong bati sa kanila.


“Good Morning sir Kean.” bati nila pabalik.


“Mukhang masaya ka ngayon Sir ah. Sinagot ka na ba ng nililigawan mo?” pang-aasar ng isang kong student.


“Kayo talaga, kapag masaya ba may girlfriend na agad? Di pwedeng masaya lang talaga?” sabi ko at nagtawanan sila. Teka bat’ parang may kulang? Walang nakaupo sa last row at walang katabi si Ashly. Siguro late lang siya, pasaway din ang isang 'yun eh laging late.


“So nextweek na ang prelim exam niyo, at may isa pa tayong lesson pero sa Wednesday ko na lang 'yun ituturo.”


“Yes! So Sir Kean wala tayong gagawin ngayong araw?” tanong nila sa'kin.


“Meron, May quiz tayo sa previous lessons na tinuro ko. On 8:30 magsisimula ang quiz natin kaya magreview na kayo.” sabi ko dahilan para magreklamo sila. Natawa na lang ako sa reations nila.

"Sige na, magstudy na kayo."






30 minutes na ang nakalipas at hindi pa rin dumarating si Yna. Nasaan na kaya 'yun? Hindi pa naman siya nala-late ng ganito katagal ah. Baka natraffic lang siguro 'yun.


Tinignan ko ulit ang relo ko at sinasabi nito na 8:15 na. At hanggang ngayon wala pa rin si Yna. Nag-aalala na ako sa kanya.


“Ms. Ashly Rodriguez.” dahil sa nag-aalala na ako para kay Yna, tinawag ko ang bestfriend niya para tanungin kung nasaan siya.


“Sir?” tanong niya sabay lapit na rin sa table ko.

“Let’s talk outside.” sabi ko saka lumabas ng room. Sumunod din naman siya agad.

“Bakit po sir?” tanong niya at kita ko ang takot niya, akala niya siguro papagalitan ko siya.


“May sinabi  ba sayo si Ms. Parker? Malapit ng mag 8:30 at wala pa siya.”

“Akala ko naman may kasalanan ako sa inyo. Sorry Sir nakalimutan kong sabihin na hindi pala papasok si Yna ngayon.” sabi naman niya.


“Ha? Bakit daw? May sakit ba siya?”


“Wala po. Uuwi daw po kasi ang parents niya, siguro magbo-bonding sila.” sagot niya. Pinapasok ko na siya ulit pagkatapos nun.


Nawala na rin ang kaba ko ng malaman ko na ayos lang si Yna. Pero hindi na naman siya makakapag quiz.


Hindi muna ako pumasok sa classroom, dahil biglang pumasok sa isip ko kung paano ko sasabihin kay Yna ang nararamdaman ko at kung kailan.

“Kean?” naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Angel.

"Gel, ikaw pala. Bakit?"

“Wala lang, bat’ nasa labas ka?” tanong niya sabay lapit sa'kin.


“May quiz kasi sila mamaya pang 8:30 kaya pinareview ko muna sila. Ikaw ba?”

"Ganun din. Mukhag malalim ang iniisip mo.” bigla niyang tanong. Napansin pala niya.

“Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya.”

“Ha? Anong sasabihin mo? At kanino?” pagtatakang tanong ni Angel.


Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil 8:30 na pala. Kaya nagpaalam akong papasok na ako sa classroom. Pagpasok ko, binigay ko na ang quiz nila.
- - - -
Tapos na ang klase nila kaya nandito na ako sa faculty room. Iniisip ko pa rin kung pano ko sasabihin kay Yna ang lahat g feelings ko sa kanya. Tamang tama naman pumasok si Angel. Susubukan kong i-practice sa kanya.

[Angel’s POV]

Kanina pa gumugulo sa isip ko ang sinabi ni Kean. Sino ang tinutukoy niya? At ano ang sasabihin niya sa taong 'yun? At kanina ko pa iniisip na baka siya 'yung taong gusto ni Kean.


Papasok na ako sa faculty room nang sinalubong ako ni Kean. He looks so serious.


“Kean? Bakit?” tanong ko naman agad.


“Angel, may sasabihin ako sa'yo.”



“A-ano?” tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.


Umupo muna ako sa upuan ko at siya naman kumuha ng isang upuan at inilagay ito sa tapat ko saka umupo doon. Anong nangyayari sa lalaking ito? Kinakabahan ako at the same time kinikilig ako. Ang gwapo kasing tignan ni Kean kapag seryoso siya.


"Angel" Sabi niya at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.


Bigla naman akong nakaramdam ng kung ano sa tyan ko, at oo kinikilig ako sa ginagawa niya. Teka! Ako ba yung sinasabi niya kanina?

“A-ano yun?”


“Alam mo ba, noong second year ka pa lang lagi kitang nakikita at nakakasalubong. Hanggang sa isang araw, naging habit ko na ang titigan ka ng patago at sundan ka. Ewan ko nga bakit pero isang araw nagising na lang ako na mahal na pala kita. I love you.” seryosong sabi ni Kean.


T-totoo ba ang mga naririnig ko? G-gusto ako ni Kean? Parehas lang pala kami ng nararamdaman.


“Kean, ala---"  magsasalita pa lang sana ako nang magsalita ulit si Kean.


“Ayos ba? Ok ba yung mga sinabi ko?” tanong niya sakin.

“Ha?” para naman akong napako sa kinauupuan ko.

 

“'Yung confession ko. Ano okay ba?”

 

“Ibig sabihin, practice lang yun?”

 

“Yup, 'yun sana ang sasabihin ko sa babaeng matagal ko ng gusto.”


“O-okay naman siya, sige CR lang muna ako.” sabi ko saka umalis.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa CR bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit lang akala ko ako, hindi pala.
- - - -
Chapter ten end!

Diary ni Teacher{Editing}Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang