Chapter Forty-two

8K 181 15
                                    

[Kean's POV]

Hindi ako makapaniwala na tanggap na ako ng pamilya ni Yna. Ang saya saya ko pati nakaka-inggit ang family niya, magkakasama sila sa lahat ng okasyon samantalang kami. Tss! Nevermind!

Nandito kami ngayon sa sala, nagmo-movie marathon. Suggest kasi ng Lola ni Yna grabe nakakatuwa ang lola niya. Ang Mommy naman ni Yna ang ganda ganda katulad ni Yna, no wonder sa Mom niya siguro siya nagmana. Si Josh naman ayun, nag-usap lang kami tapos binigay ko na rin ang regalo ko sa kanya.

Nanunuod lang kami ng movie nang biglang tumayo si Yna at umakyat sa taas. Saan siya pupunta?

“Malapit na pala ang christmas kaya pala umakyat na si Yna sa taas.” sabi ni Tita kaya napatingin ako sa kanya.

“Anong kinalaman ng pag-akyat ni Yna sa taas sa Christmas Mom?” tanong ni Josh.

“Ahh, kasi simula bata pa siya lagi niyang ginagawa tuwing christmas ay umaakyat sa taas at pupunta sa terrace saka sisigaw siya ng Merry Christmas.” Paliwanag ni Tita. Napatango naman si Josh sign of understanding.

“Excuse me lang po, pupuntahan ko lang po si Yna.” Paalam ko sa kanila.


“Sige dear, puntahan mo na siya.” sabi ni Tita kaya napangiti ako sa kanya. Welcome na talaga ako sa kanila and I'm happy.


Umakyat naman ako at pinuntahan siya sa terrace nakita ko nga siya na nakatayo malapit sa railings at nakapatong ang mga kamay niya doon. Kaya agad ko siyang niyakap mula sa likod.

It really feels good to hug her like this. Ganun lang kami for a couple of minutes hanggang sa narinig na namin ang countdown ng mga tao.

“4..3..2..1..”

“MERRY CHRISTMAS!” sigaw ni Yna.

May mga ilang fireworks naman na nakikita namin sa taas. At hindi ko mapigilang ngumiti.

“Merry christmas boo” I whispered to her ear.

“Merry christmas din boo.” bati niya pabalik.

Kayakap ko pa rin siya mula sa likod habang pinapanuod namin ang mga fireworks.

“This is the happiest and best christmas ever.” sabi ko kay Yna. At narinig ko ang sagot niyang 'Me too.'

“Thank you boo for making my christmas happy. Sa susunod ikaw naman ang ipapakilala ko sa parents ko.” sabi ko at isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

“I’ll wait for that day, boo”


Kahit na hindi ko kasama ang parents ko ito pa rin ang pinaka masayang christmas sa buong buhay ko. My first christmas with my baby boo and her family.

Humiwalay na ako sa yakapan namin at iniharap ko naman siya sa'kin.

“Ibibigay ko na sa'yo ang gift ko.”

“Really? May gift ka sa'kin?” tanong niya at kita sa mukha niya ang excitement.

“Yes so close your eyes.” sinunod naman niya an sinabi ko.

Habang nakapikit siya ay inilabas ko ang isang malaiit na box mula sa bulsa ko. Kinuha ko ang laman ng box at hinawakan ko ang kamay niya saka i-sinuot sa daliri niya ang ring na pinagawa ko. Kaya ako natagalan kanina kasi kinuha ko pa ang ring na pinagawa ko. Nagpagawa kasi ako ng couple ring for us silver ring siya na may naka engraved na word 'Keyna'.


“Now open your eyes” She opened her eyes and hugged me tightly.

“Thank you boo, I like it!” Humiwalay ako sa yakap niya at pinakita ang isa pang ring.

Isuot mo ito sa akin.” kinuha niya ang isa pang ring na hawak ko at i-sinuot ito sa daliri ko.

After that she smiled at so I smiled back. “I love you Kean” She said.


“I love you too Yna” I said as I leaned closer to her and claimed her lips.


And we shared a long passionate kiss under the fireworks.


Pagkatapos ay bumaba na kami sa sala na magkahawak kamay. Naabutan naman namin sila na nagbubukas na ng mga regalo.

“Sweetie, buksan mo na ang mga regalo mo.” sabi ni Tito kay Yna.

“Yes Dad. But take a look at this~” Yna said in a singsong way and showed them the ring I gave.

“Wow! Did Kean propose to you already?” excited na tanong ni Tita.


Napangiti na lang ako. Someday, yan na ang gagawin ko sa kanya. Ang magpropose, ang yayain siyang magpakasal.


“Mom naman! Regalo niya po ‘to sa'kin. Meron din siya.” Tapos tinaas niya ang kamay ko para ipakita sa kanila ang ring ko.. “Couple ring po ito” masayang sabi ni Yna.

“Aww, Dad Kean is so sweet” tita cooed kaya napatawa na lang ako.

“Mom talaga oh!”



Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na ako. Hinatid naman ako ni Yna sa labas bahay nila.

“Bye boo ingat ka ha.”

“I will. Sige na good night.” I said and kissed her forehead.

“Good night boo” at pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay.






Nang makarating ako sa condo I decided to call my Mom.

Mom: Hello?

Me: Mom Its me, Kean.

Mom: Oh, Kean why did you call?

Me: Uhh. I just want to greet you and Dad a Merry Christmas.

Mom:nThanks dear. So I’ll hung up. Goodbye.


Then she hung up. Tinapon ko ang cellphone ko sa kama at nahiga. Tsk! Puro sila trabaho.
- - - -
[Yna's POV]

Nandito kami ngayon sa airport, ihahatid kasi namin si Kean. Aalis kasi siya papuntang France dahil doon daw siya magne-new year.


“Boo, I have to go. Take care always okay?” paalam niya.

“Opo I’m gonna miss you Boo.” aalis na naman siya. Pero ayos lang dahil makakasama naman niya ang parents niya.

“Me too. Sige pasok na ako. I love you.” sabi niya at hinalikan ako sa noo.

“I love you too Boo! Ingat ka ha!” pahabol ko.
* *
“Kuya, nakita mo na ba ang parents ni Kean?” tanong ko habang nasa byahe kami.

Hindi pa. Ang alam ko kasi simula nung lumipat sila sa France hindi na sila bumalik dito.” kwento ni kuya.

“Ibig sabihin si Kean ang laging nagta-travel para lang makasama sila?” tanong ko at tumango naman si kuya bilang sagot.


I felt sad. Kawawa naman ang boo ko, siguro palagi niyang namimiss ang parents niya. Promise ko talaga hindi na ako magtatampo at magagalit kapag pupunta siya ng France. At may possibility rin pala na hindi ko makilala ang parents niya.
- - - -
Chapter forty-two end!

Diary ni Teacher{Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon