Chapter 2

3.1K 163 23
                                    

Chapter 2: Auction

Fia PoV,

ANG first year college ay may limang Class, ito ay ang Class Turquoise, Yale, Sky, Teal, at Class Azure.

Class Yale. Sa Class Yale napupunta ang mga repeaters, may mababang grado at kadalasang bagsak sa klase. Yun ang unang Class dito sa RIU, sila ang pangunahing pinagtutu-unan ng pansin ng unibersidad upang madaling matuto. Ang mag-aaral sa Class na iyon ay mahilig sa gulo, mas malala pa sa mga ugok.

Class Azure. Ang Class na iyon ay binubuo ng mga anak ni Einstein. Sila ang pinakamatalino pagdating sa pag-i-imbento ng mga kagamitan. Sa katunayan ay galing sa kanila ang mga CCTV at kung ano pang kagamitan sa unibersidad na gawa sa High-tech. Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi napunta dun sila Kev at Ram gayung anak din sila ni Einstein.

Class Sky. Andun sa Class Sky ang mga anghel. Puro mababait, magagalang at hindi marunong magalit o magsinungaling ang estudyante doon. Kapag magmura o magtaas ka ng boses ay may malaking multa na kailangan mong bayaran sa kanilang tesorero. Andun sa Class Sky sina Chloe, Rhea at Althea, ang mga girlfriend ng tatlong ugok.

Class Teal. Sa Class Teal naman napupunta ang may katungkulan sa unibersidad. Andun ang mga University President, University Vice-president, University Council, University Moderator, University Broadcasting team, University Sports Director at kung ano-ano pa. Andun ang pinsan kong si Blake dahil ito ang University President at ang Vice President na si Aldin.

Class Turquoise. Ang Class na puro kagaguhan at ka-ugokan. Bakit ako napunta sa Class na ito? Hindi ko alam ngunit alam kong may kinalaman dito ang Hari ng mga ugok.

"Fia! Nakikinig ka ba?"

Sinamaan ko ng tingin si Khanz dahil pinukpok nito ang silya kung saan ako nakaupo.

"O-oo naman!"

"Sige nga, paki-ulit ng sinabi ko." Nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang balakang.

Lumunok ako ng sariling laway at nilibot ang paningin sa mga ugok na nakatingin din sa'kin. Ano ulit yung sinabi niya? "Alin dun? Yung 'Fia! Nakikinig ka ba?' O yung 'Sige nga, paki-ulit ng sinabi ko'?"

Nagtawanan ang mga ugok samantalang ginulo ni Khanz ang sariling buhok. "Fuck?" Tanging nasabi nito.

"Ano ba kasing sinabi mo?! Importante ba yun?!" Singhal ko dito, medyo napahiya.

"Why are you spacing out?" Sermon niya sa'kin.

"W-wala ka na dun!"

"Fine," bumuga ito ng hangin, "this time, make sure you'll listen cause this Foundation Day is already tomorrow and we don't have any plans on how can we earn money meanwhile the other is in the field and already making their booths or stall!"

Tumango ako at hindi nagsalita. Naglakad ulit ito pabalik sa unahan ng white board, sa gilid niya ay ang Class Secretary na si Alex, nasa harapan din ang gagong presidente na nakaupo sa silya.

Kumindat ang Hari ng mga ugok sa'kin, tinirikan ko siya ng mata. Anong akala niya, makakalimutan ko yung ginawa niya sakin kanina? Yung pagnakaw niya ng halik? Hindi! Mamatay siya, gago! Tumakbo pa ako hanggang field ngunit hindi ko lang man ito naabutan, dinaig pa ang record ni Flash sa bilis nitong tumakbo!

"Who can suggest a better idea about our Class stall or whatsoever?" Tanong ni Khanz. Madaming nagtaas ng kamay.

Tinuro ni Spade si Ace. Tumayo ang ugok. "What if we make a street foods stall?"

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon