Chapter 49

1.7K 104 14
                                    

Chapter 49: Quarrel, Again?

Fia's PoV,

"KUMUSTA NA BA SI BLAKE?" Tanong ni Dada sa'kin.

Andito kami ngayon sa bahay ng mga ugok, nagkukuwentuhan sa sala. Sila Spade at ang mga ka-uri niya ay kasama si Raechelle at Janela, naglalaro sila ng ML sa Game Room.

Isang linggo na ang nakaraan simula nung magpakita si Raechelle sa buhay nila. Sa isang linggong iyon, ay wala silang ibang ginawa kundi magsaya kasama si Raechelle. Minsan, pakiramdam ko, nagiging hangin nalang ako kapag dumadaan sila. Wala silang ibang sinasabi kundi, Raechelle... si Raechelle... dapat ganito, Raechelle... ang ganda talaga ni Raechelle... ang bait ni Raechelle... ang cool ni Raechelle... At kung ano-ano pa.

Tulad ngayon, hapon na ngunit kasama parin nila si Raechelle. Niyaya nila ako kaninang maglaro ngunit humindi ako dahil wala akong alam sa paglalaro ng internet games, hindi tulad ni Raechelle na alam ang lahat.

"Hey, I'm asking you! Pay attention." Pinitik ni Dada ang kaniyang mga daliri at nabalik ako sa reyalidad.

"A-ano nga ulit tanong mo?"

"Kamusta na kako si Blake?" Sumimsim ito sa kaniyang juice.

"Buhay pa naman." Wala sa sarili kong utal.

Kanina pa si Dada, kinukulit ako tungkol kay Blake. Kanina ko lang din nalaman na baliw pala siya kay Blake. Akalain mo yun, may nagkagusto pa pala sa pinsan kong dinaig pa si Kuya Yuhan kung magsungit.

"Argh, wala ka talagang kuwentang kausap." Dumaing siya at pinagkrus ang hita.

Simula kanina ay kaming dalawa na ang magkausap kaya okay lang sa'kin ang mga pinagsasabi niya, hindi siya nahihiyang magbiro at ganoon din ako. Ngayon ko lang nalaman na masyado pala siyang madaldal.

"Kanina mo pa binabanggit ang pinsan ko, kaya normal lang na mabagot ako sa kakasagot ng bawat tanong mo!" Asik ko.

"Iiiih kasi naman, e." Pumangalumbaba ito, malayo ang tingin. "Nakita ko mga pictures niya! Siya na talaga ang The One na hinanap ko! Complete package para sa isang fictional character!"

Kung hindi si Blake, ay tungkol naman sa novel ang aming topiko, hindi ako minsan nakakasabay sa kaniya dahil wala akong alam sa mga pangalan na binabanggit niya.

"Bakit si Blake ang nagustuhan mo? Mahilig iyon sa saging, walang time iyon sa'yo."

"Paki mo ba?" Ma-attitude! "Siya ang gusto ko, kaya wala ka nang magagagawa dun." At nagawa niya pang ngumuso. "Pangarap ko na magkaroon ng asawang mala-fictional character ang dating."

Asawa agad? Ni hindi nga siya sure kung magugustuhan siya ni Blake, e!

"Dahil ba gwapo ang mga bida sa storya na binabasa mo?" Kunot-noo kont tanong.

"Thirty percent, yes and seventy percent not. Karamihan sa'ming mga wattpaders ay katulad sa bidang lalaki sa Wattpad ang hanap, yung tipong, lahat nasa kaniya na. Malabong mangyari iyon sa reality pero puwede naman sa attitude bumawi. Karamihan sa'min, hanap ang isang lalaki na hindi madaling sumuko sa relasyon, yung hahabulin ka niya kahit ilang taon pa ang lumipas, at kung totoo ang pagmamahal niya para sa'yo ay hindi siya madadala sa mga pagsubok at papakinggan niya ang mga rason mo tungkol sa mga bagay-bagay, ganoon ang gusto ko sa isang lalaki. Ngunit sa panahon ngayon, tanging mga lalaking authors at lalaking mahilig magbasa ng novels lang ang nakakaintindi sa mga gusto ng isang wattpader."

Kita niyo? Simple lang ang tanong ko ngunit pang-Miss Universe na ang sagutan niya! Required ba talaga ang ganiyan kahabang sagot?

"Malas ka dahil mainipin ang pinsan ko, madali lang iyon sumuko at hindi niya gawain ang maghabol ng babae." Pagsasabi ko sa totoo dahilan para sumimangot si Dada.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now