Chapter 53

2.1K 137 107
                                    

Sa mga nagpapa-dedicate po, 'sensya na, sa sunod na chapter nalang dahil minadali ko itong i-publish. Sa mga nagtatanong kung kailan ang schedule ko sa pag-update, hehehe wala pong schedule.

Chapter 53: Break Up

Fia's PoV,

"WHAT THE HELL?! Nagpapatawa ka ba?" Tumawa si Spade na parang nanunuya.

Nagpapatawa ba ako? Isang clown lang ba ako sa paningin niya? Bakit gano'n? Hindi niya man lang ako magawang seryosuhin, kahit sana desisyon ko lang.

"S-Spade, ayo-ko na, hindi ko... na kaya." Hirap akong sabihin iyon. Nakatulala lang siya, hinihintay ang susunod ko pang sasabihin. "Y-yung ilang araw na hindi mo ako pinansin, kinamusta, binalingan at kinausap, Spade, malaking epekto iyon sa relasyon natin, lalong lalo na sa'kin dahil ako yung naargabyado dito, Spade. Pakiramdam ko, iniwan mo ako sa ere, bigla ka nalang hindi nagparamdam kahit iisa lang ang classroom na pinapasukan natin. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung may tayo pa ba dahil nung araw na hindi mo na ako kinibo, pakiramdam ko, pati relasyon natin naglaho na parang bola."

Nakayuko lang ako, patuloy ang pag-agos ng luha na puno ng sakit at hapdi.

"D-did I do something wrong?" Tanong niya sa pinakamababa at malambing na boses na mas lalong nagpasiklab sa hapdi na nararamdaman ko. Kalmado lang naman siya kapag nakikitang nagkakaganito na ako.

Namutla si Spade, sinubukan niyang abutin ang pisngi ko ngunit kusang umiwas ang aking mukha, bumaling sa gilid.

Gusto ko siyang sigawan at murahin dahil hindi niya alam ang ginagawa niyang kalokohan na nagpapasakit sa'kin.

"Spade, naman. May isip ka, hindi ka baliw at bobo para hindi malaman kung anong kamalian na ginawa mo." Napasinghot ako.

"Is this all about... Raechelle?" Nag-aalangan niyang tanong.

Marahan akong tumango, hindi parin nag-aangat ng tingin. Ang aking paningin ay nakapirmi sa sapatos na suot ko at ang aking mga kamay ay kinukuyom ang sariling palda. "Hindi lang ito dahil kay Raechelle, Spade. Marami kang maling ginawa at ayokong isa-isahin iyon. Aaminin ko, selos na selos ako kay Raechelle, to the point na isa siyang kontrabida sa paningin ko, parati niyo siyang kasama, e. Lahat kayo, puro kayo Raechelle, paano naman ako kung si Raechelle lang ang iniisip niyo? Ni minsan, Spade, hindi ko naramdaman ang pagpapahalaga niyo sa'kin gaya ng kung gaano niyo ipakita kay Raechelle na importante siya sa inyo. Ngayon lang ako nakaramdam ng tinding selos para sa isang tao at kung minamalas nga naman, kay Raechelle pa na hindi ko kahit kailan mapapantayan. Nasa kaniya na ang lahat kaya siguro hangang-hanga kayo sa kaniya samantalang nasa sa'kin ang ayaw niyong ugali. Spade, hindi lang ikaw ang lumayo sa'kin, pati narin ang mga kaibigan ko na siguro, kaklase lang ang turing sa'kin at hindi kaibigan. Alam mo kung anong mas nakakatawa? Yung kayo na nakasama ko ng ilang taon ay hindi isang pamilya ang turing sa'kin, parati kayong hindi available kapag kailangan ko ng kaibigan samantalang kapag kayo ang nangangailangan, kahit makabangga ko pa kadugo ko, gagawan at gagawan ko ng paraan para lang masunod gusto niyo. Masakit lang dahil parang wala lang sa inyo ang hirap na dinanas ko para sa inyo at kapag nakakagawa ako ng kahit kunting kasalanan, big deal na agad iyon sa inyo lalong lalo na sa'yo. Counted mo lahat ng kasalanan ko ngunit hindi mo man lang binilang ang mga kabutihang ginawa ko. Bakit selfish ako sa paningin mo? Yun ba talaga ang akala mo sa'kin?"

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now