Chapter 60

2.9K 155 68
                                    

Chapter 60: Chances

Fia's PoV,

NAKATANAW ako sa kan'yang nitso habang walang habang sa kahihinto ang mga luha na ilang araw nang hindi nauubos.

Nagsuot ako ng itim na shade, pangsangga sa tirik ng mainit na araw at mayro'n akong suot na malaking itim na sombrero para hindi mainitan ang aking anit at buhok, pinagkrus ko ang aking mga braso sa ilalim ng dibdib kaya nahagip ng aking paningin ang mahabang manggas ng itim na bestidang aking suot-suot.

Suminok ako at napapikit ng mariin, sariwa parin sa'king ala-ala ang mga pakiusap ko na buhayin siya, ngunit kahit ang pinakamagaling na doktor ay hindi naibalik ang kan'yang buhay.

"Please, save him! I-il-iligtas niyo siya! Hindi pa s'ya patay! Hindi pa p'wede! H-hindi pa!"

"Ms. Karizou, we're really deeply sorry, we can't do anything to make him back alive again. Ginawa namin lahat ng makakaya namin at hanggang doon nalang talaga ang aming naitulong."

"N-no! It can't be true! A-akala...akala ko, magaling kang doktor?! Pero bakit hindi mo s'ya nagawang iligtas?!"

"Ms. Karizou, I'm only a human. Makina ang ginagamit ko sa panggagamot at hindi himala. Kahit pagod ako dahil sa sunod-sunod na operasyon ay ginawa ko at ibinuhos lahat ng kakayahan ko para mailigtas siya ngunit siya na mismo ang bumigay, hindi kinaya ng kan'yang katawan ang operasyon."

"N-no! Ba't gano'n? Nagawa mong iligtas ang ibang tao! Their operation is successful while you can't do it on him?! Bakit siya lang ang namatay sa lahat ng ino-operahan mo?! Tama lang ng bala ang mayro'n siya, for Pete's sake!"

"Hindi niyo alam kung gan'o kadilikado ang lalim ng tama ng bala niya lalo na't sa spinal cord niya iyon tumama, fifty-fifty ang chances at sa kasamaang palad, nabigo kaming iligtas siya."

"I'll sue you for not healing him! Magkikita tayo sa korte!"

"That's enough, Fia! They did their best!"

"Ano? K-kuya! Ano ba?! Pati ikaw---"

"Enough, Fia!"

Parang talon na umagos ang tubig sa'king nga mata. Kahit anong gawin kong kalimutan ang mga masasakit na ala-ala ay bumabalik at bumabalik parin iyon sa'king isipan, hindi ako pinatatahimik.

"B-bakit?" Nahinto ako at napasinok ulit, "bakit lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko, iniiwan ako? Hindi ba ako nila love?" Parang batang nagsusumbong sa Ina ang tono ko, nakalabi.

"That's not true, Princess." Naramdaman ko ang paghaplos ni Kuya Yuhan sa balikat ko, kahit anong gawin niyang pagpapahupa sa sakit at paghihinagpis ko ay hindi niya magawa, nagtiis siya sa mga drama ko, si Kuya Yuhan ang and'yan tu'wing iiyak ako at hintuturo niya mismo ang pinapamunas sa'king mga maiinit na luha.

"We love you," anang pa, "mahal kita--- namin, andito pa kami, marami pa kaming nagmamahal sa'yo kaya h'wag kang mawalan ng pag-asang mabuhay sa mundo. I know, this past few days, the secrets that had been revealed are hard to handle but you need to be strong, andito lang ako. You can talk to me every time you feel alone or I can be your crying shoulder when you think you'll burst out in tears. Karamay mo ako kahit umayaw sa'yo ng mundo, tatanggapin at tatanggapin parin kita, that's how much I love you."

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now