Chapter 52

2.5K 129 101
                                    

Chapter 52: Proud

Fia's PoV,

"A-ANONG GINAGAWA NIYO DITO?" Natataranta kong tanong nang makita ang lahat ng ugok sa mismong pamamahay ko. Kasama nila si Raechelle, Chloe, Rhea, Fidget, Althea, si Dada at Janela.

"What's up?" Kalalabas palang ni Spade galing sa kwarto ko, pinupunasan niya pa ng tuwalya ang kaniyang buhok na basa dahil sa ulan kanina.

"A-anong ginawa niyo... sa loob ng kwarto?!" Sigaw ni Xharles.

"May nangyari ba?" Pabulong na tanong ni Ace.

"Magiging ninong na ba ako?" Muntik pang mabitawan ni Carl ang hawak na persimmon.

"Tsss. Don't dare to care even if we do something in the back of Fia's room."

Siniko ko si Spade at payak na ngumiti sa mga ugok na may mga berdeng utak. "Para naman kayong mga sira! Naligo lang si Spade sa kwarto ko!"

"Naligo kayo ng sabay?!" Nanlalaki ang matang tanong ni Lawrence.

Nabatukan ko ito. "Ano ako, sira?! Malamang, hindi! Gago nito."

Matapos naming kumain ng street food kanina sa waiting shelter ay sumakay kami ng bus at dahil umuulan pa ay pumalagi muna dito sa mansyon si Spade, pinaligo ko ito dahil basa ang buo niyang katawan ngunit umayaw siya basta hindi sa banyo sa kwarto ko siya maliligo. Tiniis ko ang kaartehan niya at sa banyo ng guest room nalang ako naligo, sa katabi ng kwarto ko.

"Ano bang ginagawa niyo dito?! At bakit lahat kayo ay present?" Tanong ko ulit, nakapamaywang.

"They just invited me here." Ani Dada, busy sa cellphone ito.

"Same!" Wika ni Janela.

"Sabi nila i-celebrate daw natin ang first day niyo bilang mag-on. Kaya nagpunta na din ako dito." Nakangiting sambit ni Raechelle. Nakasuot ito ng dress na abot hanggang sa taas ng tuhod ang haba, nakapusod ang kaniyang buhok at kumikintab ang kaniyang labi, dahil siguro sa lip gloss na nilagay niya.

Hindi ko alam kung paano sila iwi-welcome, e, hindi naman ako ang nag-imbeta sa kanila dito. Paglabas ko lang sa kwarto ko ay nakita ko na agad sila.

Medyo natagalan nga ako dahil ang arte ng Hari ng mga ugok, ayaw sa short na suot ko, nagbangayan muna kami bago ako napilitan na magsuot ng cargo pants. Tas pagbalik ko sa walk in closet, lahat ng short at sando ko ay nawawala na. Ang salarin? Si Spade, malamang sa malamang. Nag-ayaw ulit kami sa loob ng walk in closet dahil pinakialaman niya ang mga damit ko doon, ang malala sinunog niya na daw ang mga short ko sa banyo at ginunting sa pira-piraso ang mga sando ko. Gusto ko siyang pagsusuntukin, kaso naalala ko, wawa naman boyfriend ko kung mabubogbog sarado nang dahil sa'kin. Hehehe.

"Sino nag-imbeta sa inyo na pumunta dito?" Tanong ko, nakataas ang kilay.

Tinuro nilang lahat si Francis.

"Bakit ako?!" Nagreact agad ito, kumakain ng tsokolate. "Napag-utusan lang ako ni Carl!"

Umuusok ang ilong ko na nilingon ang batang ugok na busy sa pag-ubos ng persimmons sa ref.

"At bakit mo naman sila pinapunta dito, aber?" Lumapit ako kay Carl.

"Gusto ko lang! Bakit ba?"

Nabatukan ko ito. "H'wag mo ngang ubusin yang persimmons! Kay Kuya Yuhan yan! Ako ang mapag-iinitan ng isang iyon!"

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz