Chapter 4

2.3K 147 10
                                    

A/N: Short update

Chapter 4: Curtains

Fia PoV,

TANGINA? Bakit hindi ko yun alam? Si Spade, may lahing hapon? Ganun na ba ako ka-outdated para hindi malaman yun?

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa narinig kanina. Bakit hindi ni Spade sinabi sa'kin yun?

Apat ang lahi ni Spade! Idagdag mo yung pagiging ugok. Ay kulang, may lahi rin siyang alien. Lima ang lahi niya!

"Spade!" Tawag ko dito.

Umalis ito sa mga ugok na pumipili ng kurtina at ngiti-ngiting nilapitan ako. "Yes, baby?"

"Sinasagot na kita." Ngumiti din ako.

Nawalan ng buhay ang mata nito. "Why so sudden? I really have this guts that you only want to enter a relationship with me because of my blood. Hmm, gusto mong magpalahi?"

"Gago ka ba? Porque sinagot kita akala mo magkakaroon din ako ng lahi mo?"

"Nope but we can make a baby." Gumewang ang kilay nito.

"Gago ka nga talaga. Binabawi ko na yung sinabi ko, ayaw pa kitang sasagutin." Binunggo ko ito sa balikat bago umupo sa isang silya na nasa likod niya. Hindi parin mawala sa isip ko ang biglaang pagpunta ni Mr. Hatzuki sa shop na iyon.

Flashback

Namutla si Mr. Hatzuki ng nalaman na may dugong hapon si Spade. Kahit ako ay nalaglag ang panga din, maliban sa mga ugok. Hindi man lang nagulat ang mga ito.

"Ako lang ba ang walang alam na isang hapon yang lokong yan?"

Ngumisi si Jin. "Probably, we all knows it...except you."

Tangina! Ako nga lang ang walang alam! Ilan ang lahi niya? Tatlo? Kingina, ang haba pa ng pangalan! Ayoko na, talo na ako. Wala akong kaalam-alam sa Hari nila maliban sa pangalan nito ay Spade Falcon, hindi marunong gumawa ng gawaing bahay at nagpapalipad ng kotse.

"Why did you stiff?" Nakangisi parin si Spade habang tinatanong si Mr. Hatzuki.

"You're just making stories. Ikaw, tagapagmana ng tatlong angkan? How ironically." Mapanuyang tumawa si Mr. Hatzuki.

"Tsss. Ironically, huh? You think I'm joking? Then better think again. Hatzuki Clan is just rank three in Empire's World."

Yakuza Clan. Ang pangalawang angkan sa Empire's World ngunit hindi ko batid na si Spade ang tagapagmana ng kayamanan ng mga Yakuza. Bakit si Spade ang naging tagapagmana ng tatlong angkan? Ngayon palang ako nakarinig na puwede iyon.

Tumikhim si Mr. Hatzuki at tiningnan ako. "Ms. Karizou, I know you're going to choose my son instead of this Falcon." Payak itong ngumiti bago umalis sa shop. Namataan ko ang pasimpleng pagsunod ng mga bodyguards nito na nakikihalo sa mga sibilyan.

"Tch. Sino ang anak ng gagong iyon?" Tanong ni Spade sa'kin, napatingin ang lahat ng ugok sa gawi ko't hinihintay ang aking sasabihin.

"H-hindi ko alam." Ang alam ko ay may dalawang anak si Mr. Hatzuki ngunit hindi ko ito kilala dahil masyadong pribado ang pamumuhay ng mga Hatzuki.

"Tsss, that's the ironically one. He want you to marry his son even if you don't know him? That's a shit."

"Selos ka lang." Bulong ni Francis ngunit narinig iyon ni Spade.

"What did you say?"

"Quit this scene. Kailangan na nating mamili ng mga kagamitan para sa Foundation Day para maaga tayong makapunta sa RIU."

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now