Chapter 30

2K 122 58
                                    









Chapter 30: Church











Fia PoV,









TUMUNOG ang aking cellphone kaya't inis kong kinuha iyon sa stand. Tumambad sa'kin ang sobrang liwanag na ilaw na nagmumula sa screen ng cellphone at dahil kagigising ko palang ay halos mabulag ako sa liwanag.







Umupo ako't kinusot ang aking mata bago kalikutin ulit ang cellphone. Sunod-sunod na tunog sa group chat ng mga ugok ang aking nadatnan.






Putangina, hanggang umaga ba naman guguluhin nila buhay ko?!





Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa napakalaking bangungot, nakita ko ba naman lahat ng ugok sa ilalim ng veranda! Hindi masyadong malinaw ang paningin ko kagabi dahil antok na antok na talaga ako, idagdag mo pa ang ilaw na tanging dim lights lang ang mayroon sa labas ng mansion kapag hating gabi na.



Malala pa nun, hindi ko alam kung sino naduraan ko ng gatas. Nakarinig ako ng pagtipa ng gitara kaya't sinilip ko ito ngunit sa kamalas-malasan nagulat ako ng makita ang mga ugok kaya't may naduraan ako sa kanila.





Narinig ko din ang sinigaw ni Spade sa kapwa niya ugok. Mission abort daw. Ano kaya ang kalokohan na ginawa nila't napadpad sila sa bahay namin?








Sigurado akong may pinlano sila kagabi ngunit hindi nagtagumpay dahil nakita ko sila at yung gitara para saan yun?





Napakamot ako ng ulo dahil sa dami ng isiping iyon, kahit isa hindi ko alam ang sagot--- teka, bakit parang nagkakaroon ako ng morning kuto?




Kinamot ko ulit ulo ko, sa pagkakataong ito ay wala na akong naramdamang makati kundi mahapdi na. Ang dali namang mag-evacuate ng mga kuto, sigurado akong galing ang mga ito sa pinsan kong unggoy. Humanda iyon sa'kin, mamaya.




Tumunog uli ang cellphone kaya't binalingan ko ito. Sa notification palang, chat agad ni Carl ang nababasa ko. Grabe, wala silang patawad. Kahit sa group chat, maingay parin. Kahit nga siguro sa messenger, nagsusuntukan ang mga iyon.



Carl:

YeOw! m0RN1ng GμyS!





Napakurap ako, hindi naintindihan ang ni-chat ng batang ugok. Ganun ba siya kajeje masyado?





Francis:

h3しし0 ! mU574 κ4y0?
κUmU574 7Uし06 nIy0 κ4648I?




Napahawak ako sa'king dibdib ng makitang mas malala pa pala magchat si Francis kaysa kay Carl. Kahit isang salita, wala ata akong naintindihan sa pinagsasabi nila ngunit ang mga ugok, sunod-sunod na nagsilputan sa group chat, lahat sila ay alien kung magsalita, pati ata utak ko hinila ng aking mata at sabay silang nahulog sa sahig bago magpagulong-gulong at tumalon sa veranda.



Khanz:

IΓ ЩДSИ'Γ GФФD ΞИФЦGH, HIИDI ДҜФ ИДҜДΓЦLФG SД IИGДУ ИI SPДDΞ ҜДGДБI.






Alex:

I'M LącK ๏F şLєєP ┼๏๏, GIşIЙG şI ђąЙЙą KąGąßI đąђIL ЙąşมßrąђąЙ I┼๏ ЙG ┼มL๏G ЙG ђąP๏Й. ąЙYЩąY, Щђą┼'ş Щr๏ЙG ЩI┼ђ şPąđє? ßąKI┼ I┼๏ MąIЙGąY KąGąßI?





Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now