Chapter 21

1.9K 119 8
                                    

Chapter 21: Their Night

Fia PoV,

SINUNTOK ko ang haliparot sa mismong mukha niya, dumugo ang labi at ilong nito. Kami-kami lang ang may alam sa nangyayari dahil sa lakas ng tugtog sa bar at abala ang ibang tao sa pagsasayaw o pag-iinom.

"How dare you punch me! Errrr!" Bakas sa mukha ng malandi ang sakit ng aking suntok.

"Ramdam mo na ngayon?" Ngumisi ako. "Kung lalandi ka, lumugar kang gaga ka. Hindi purket maganda ang hubog ng katawan mo't kaaya-aya ang iyong mukha, kahit sinong lalaki gusto mong patulan. Mahiya ka naman uyyy, h'wag masyadong makapal ang mukha." Inis na inis na talaga ako sa gagang ito.

"I see. You're the girlfriend, 'di hamak naman na mas maganda pa ako sa'yo." Nagawa pa nitong ngumisi matapos kong masuntok. Sa kapal ng mukha, hindi ata nakaramdam ng sakit nung sinuntok ko. Ulitin ko kaya?

"Maganda ka nga, mukha namang clownfish dahil sa kapal ng kolerete sa mukha. At least ako, disente. Hindi tulad mo na halos ibenta na ang katawan sa suot. At kung anong ikinaganda mo ay siya namang kinababa ng height mo," nagbaba ako ng tingin sa takong niyang seven inches, "kung hindi lang yan seven inches na heels mo, sigurado akong kasing liit ka lang ni Carl."

"Yooooooooooow!" Kantyawan ng mga ugok.

"Y-you....!" Mabilis ang sunod na nangyari, naabot ng gaga ang buhok ko't sinabunutan ako na halos malagas lahat ng aking buhok.

"Kaya mo yan Fia!"

"Para sa ekonomiya ng ating bansa!"

"H'wag kang magpapatalo!"

"Yung pusta ko sayo, one thousand yun! Galaw-galaw din naman!"

"Kapag ikaw natalo, ibibigay ko talaga si Spade sa babaeng iyan!"

"Lumaban ka!"

"Sa pula ako! Five hundred!"

"Sa kulay ng damit ni Fia ako! Black! Five hundred din!"

Hindi ako nagpatalo sa lukaret at sinabunutan din ito sa buhok. Mas mahahaba nga lang ang kaniyang kuko kaya't lugi ako lalo na't hindi ako marunong mansabunot.

Sinipa ko ang babae, tumalsik ito sa isang lamesa.

"What the...?" Napabalikwas ang mga lalaki sa lamesa at tinulungang makatayo ang gaga.

"Ang galing mo!" Papuri ni Micco at ng mga ugok.

"Yung pustahan ah?" Paalala ko sa kaniya.

Tumango ito at tumawa. "Ilang kilo ng cocaine ang gusto mo?"

Binatukan ko ang ugok. "Tulak ka ba?"

"Are you okay?" Tanong ng lalaking tumulong sa gaga.

"Argh! Get off me! I hate the smell of cigarettes!" Maarteng sagot ng haliparot.

Nainis ang lalaki kaya't tinulak niya palapit sa'kin ang babae. "Akala mo naman kinaganda mo yang suot mo! E, nagmumukha kang stripper!" Dagdag ng lalaki, nagtawanan ang iba pa nitong kasamahan.

"Excuse me! Mas maganda pa ako sa mga stripper and I'm not working on the bar cause I'm a filthy rich kid!"

Umikot ang aking mata. "Ang yabang, nagbubuhat ng sariling bangko, ito pati lamesa buhatin mo na rin." Inangat ko ang maliit at hindi mabigat na lamesa sa'king gilid.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now