Chapter 5

2.3K 143 1
                                    

A/N: Short Update

Chapter 5: Couple Shirts

Fia PoV,

"SAAN na tayo pupunta?" Tanong ko sa mga ugok matapos umalis sa curtain shop dahil nabili na nila ang itim at pulang kurtina.

"We're going to buy a blazer for me." Natawa ako sa kalagayan ni Lawrence, nakabusangot ito dahil nawala na nga ang blazer niya't pati dress shirt niya'y kinulang na sa butones.

"I need to fucking buy a dress shirt." Tanging blazer lang ang suot ni Xharles sa pang-itaas dahil hindi na rin nito nahanap ang dress shirt niyang tinapon. Literal na dinala na ng mga babae sa kaniya-kaniyang tahanan, baka nga hinati-hati pa ang tela nun.

"Wala talaga sa inyo magpapahiram ng blazer?" Umiling ang mga ugok, ayaw pahiramin ng blazer si Ace. Kung si Xharles ay nawalan ng dress shirt at si Lawrence ay nawalan ng blazer, ang kay Ace ang malala. Wala itong damit sa pang-itaas na katawan dahil hindi siya pinahiram ng mga ugok.

Naawa ako sa kalagayan ng gago kaya tinanggal ko ang aking blazer. "Tangina sa susunod huwag pabida ah? Hindi porque ang gaganda ng katawan niyo, e-e-expose niyo na. Ayan tuloy nakarma."

Bagot akong tiningnan ni Ace. "I appreciate your blazer, Fia," mapanuya ito kung magsalita, "do you really think it'll fit on me? Sa liit ng blazer mo, sa tingin mo kakasya yan sa katawan ko?!"

Sinuot ko ulit ang blazer. "Ikaw pa ngayon ang choosy?! Pasalamat ka't naawa ako sayo kahit manyak ka!"

"Minanyak ba kita?" Tanong ni Ace.

"Hindi ako, pero yung mga babae kanina sa entrance ng mall! Kayong tatlo!" Isa-isa kong tinuro si Lawrence, Ace at Xharles.

"Huwag ka ng magtaka sa kanila, Fia. Mga manyak na yan, noon pa." Wika ni Mykel.

"Pero kapag ikaw ang minanyak, magsummbong ka agad ah? Para makatikim ang tatlong yan." Dugtong ni Jin.

"I could kill them if they do that." Matalim ang tinig ni Spade.

"Bakit pa ako magsusumbong kung kaya ko silang pag-uuntugin?" Narinig ng tatlo ang sinabi ko kaya't ngumuso ang mga ito.

"I really didn't believe that Spade fall for a sadistic girl." Umiling si Kev.

"Huwag kang mag-alala, patas lang tayo. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang walang nagkakagusto sayo." Pagsasalita ko.

"Sa gwapo kong ito, imposibleng walang may gusto sa'kin."

"Huwag ako, Kev. Dahil kung totoong gwapo ka, marami ka na sanang girlfriend ngayon."

"Yeah, like me and them." Nginuso ni Ace si Lawrence at Xharles. Kingina, proud pa sila nun?

"Puwede bang ito nalang?" Pang-iiba sa usapan ni Lawrence, pinapakita nito kay Ace at Xharles ang tatlong kulay itim na t-shirt na may check sa gilid.

"Uy! Gusto ko din niyan!" Sigaw ni Micco at kumuha din ng ganong klaseng shirt.

"Ako din!" Sumunod si Jerry. Hanggang sa lahat ng ugok ay kumuha na rin ng kaniya-kaniyang damit na katulad nun.

"How about this couple shirts?" Pinakita ni Spade sa'kin ang dalawang pulang shirt, may arrow ito na nakaturo sa kapartner na shirt at may nakalagay na; My heart belongs to him, My hear belongs to her.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now