Chapter 48

1.8K 118 14
                                    

Classicpluepink's note: I know I'd been MIA lately so I update FIVE CHAPTERS for tonight! Lampas 4,000+ words ang chap. 48-50, aabot sa 7,000+ words ang na-isulat ko sa sunod na chapter para naman makabawi ako sa inyo. Enjoy reading!

Chapter 48: Tinola

Fia's PoV,

"YOU'RE REALLY A FREAKING HARD HEADED! Ang sinungaling mo pa! Pinaasa mo ako! Ang sabi mo, uuwi ka na sa bahay pero limang oras na ang lumipas, hindi mo man lang naalala ang sinabi mo!" Parang may malalim na pinagdadaanan si Kuya Yuhan kung makasigaw ito.

Pinaasa ko daw siya! Neknek niya, sinabi ko lang na uuwi ako pero wala akong natandaan na may sinabi akong umasa siya! Hindi na nasanay si Kuya Yuhan sa'kin! Anank ng porkchop! Buong buhay ko siyang kasama, hanggang ngayon hindi niya parin alam na noknokan ako ng pagsisinungaling?!

Kinaladkad ako ni Kuya palabas ng mansyon nila Spade. Take note, hindi niya ako hinawakan sa braso kundi sa tainga! Putangina, hinihila niya ako gamit ang pagpingot sa tainga ko!

"Aray! Masakit, ah!" Bawi ko ng bitawan niya ang aking tainga nang marating namin ang kaniyang kotse. Instant himas ako sa sariling tainga. Anak ng siomai, paano kung mapagkamalan akong kamag-anak ng mga duwende! Makahila naman kasi ito si Kuya ng tainga, daig pa ang nagstretch ng goma!

"At teka," pinaningkitan ko siya ng mata nang may maalala, "hindi ako umabot ng limang oras! Kalahating oras lang, Kuya! Hindi ka especial kaya wala dapat pasobra!"

"Ikaw pa ang may ganang bulyawan ako?!" Humakbang ito ng isang beses, umatras naman ako.

"H-hin...di! Binibiro l-la-lang kita!" 'Langya! Daig ko pa ang kumakanta nito kung maka-la-la! "A-alam...mo--- na...na-naman na gan'to ako ma-magla-la...lambing 'di---diba?"

"Sabi mo, uuwi ka." Malambot ang kaniyang boses ngunit may dala itong bagyo, siguradong maya-maya lang ay tatalsik ako.

"O...oo nga." Napakamot ako ng batok.

"Pero hindi ka umuwi." Kung kanina, bagyo ang dala ng mahinahon niyang boses, ngayon ipo-ipo naman dahil siguradong iikot ako sa mga kamay niya.

"Pa-uwi na ako...kaso bigla ka nalang sumulpot dito---"

"ANG SABIHIN MO, WALA KA TALAGANG BALAK UMUWI!"

Sa lakas ng kaniyang sigaw ay dumikit ako sa hood ng kotse.

"Ngayon, alam ko na." Naguluhan ito sa sinabi ko ngunit hindi sumingit kaya nagtuloy ako. "Alam na alam ko na hindi bagyo at ipo-ipo ang dala ng boses mo, kundi glue, shoes glue, vulca seal at rugby!"

Nanigas ako ng bigla niya kinain ang distansya namin, hinawakan ako sa magkabilang balikat at itinapon sa shotgun seat na parang isang bola!

Yun nga lang, hindi ako nagkaroon ng bounce effect gaya ng bola.

"Huhuhu, sumbong kita sa Mommy ko!" Nakahawak ako sa sariling paa na nauntog sa gilid dahil sa ginawa niyang pagtapon sa'kin.

Ginawa niya naman akong supot ng basura! Tinapon niya lang ako basta-basta sa loob ng sasakyan!

"Zip your lips or I'll throw you in the cliff where sharks are waiting for your body to be their delicious meals."

Taray! Kailan pa nagkaroon ng pating sa bangin?! Nagtitimpi na ang dila kong isigaw iyon sa kaniya ngunit hindi ko nalang ginawa dahil totohanin niya ang pagtapon sa'kin sa bangin.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now