Chapter 43

1.9K 118 20
                                    





Chapter 43: Clothes and Ride





Fia's PoV,





"GET CHANGE." Utos ni Kuya Yuhan matapos naming kumain ng hapunan.




"Problema mo?" Tanong ko dito.





"Change your clothes."





Napatingin ako sa suot kong sandong itim at maiksing short. "Ayoko nga." Napanguso ako.




"Fine but Spade can't come here if that clothes of yours are too shorts." Umikot ang mata ni Kuya Yuhan.




Nasabi ko sa kaniya kanina ang tungkol sa proyekto namin ni Spade, pumayag nga ang loko ngunit binawi din agad.




"Kuya, mas lalong gumaganda katawan mo ngayon. Siguro nasa tamang tao ka na nga talaga. Ang galing mag-alaga ni Ate Icy." Iniba ko ang usapan, tinapik ko pa ang braso niyang maskulado.




"Mas lalong gumanda ang katawan ko dahil nag-gy-gym ako, hindi dahil nasa tamang tao na ako. Paganahin mo utak mo, h'wag pairalin ang katangahan."



Humagikhik nalang ako. Mukhang tumalab ang topic na iyon---




"You can't fool me, Fia. I know you're trying to divert the topic. TO YOUR ROOM, NOW! AND CHANGE YOUR CLOTHES!"




---hindi pala siya madaling maloko.




"Hey, bakit nagsisigawan kayo dito?" Boses ni Kuya Markier ang nadinig namin.





Nag-aliwalas ang mukha ko at niyakap si Kuya Markier sa baywang. "Si Kuya Yuhan, ayaw sa damit ko! Gusto niya pang magbihis ako ng ibang damit!" Pagpapakampi ko sa paborito kong Kuya.




"It's okay, Princess." Hinaplos niya ang buhok ko at binalingan si Kuya Yuhan. "Kuya, dalaga na si Fia. She's free to do whatever she wants. Marunong na siya kung ano ang pinagkaiba ng tama at mali. So if I where you, stop choking and putting a line on every things she do. Baka mamaya mabaliw si Fia dahil masyado kang mahigpit. Ayaw mo naman sigurong magkaroon ng baliw na kapatid, diba?"





Natigilan si Kuya Yuhan sa sinabi ni Kuya Markier ngunit bumalik din ang kaniyang ekspresyon sa dati pagkalipas ng segundo. "No one can change my mind, even you, Markier. Fia, go and change a decent clothes."






"Wala na pala akong magagawa." Nagkibit balikat si Kuya Markier, hinalikan ako sa noo bago iwan sa kusina, kasama ang gorilyang ito.




Tangina naman oh!





"Magkasundo tayo, Kuya." Panimula ko. Tumingin ito sa'kin, halatang nakikinig. "Laro tayo ng bato bato pick at kapag ako nanalo, papabayaan mo ako sa gusto kong suotin, game?"





"No. It's a pathetic game so I won't participate."





Ngumuso ako. "KJ mo naman."




"When I said no, it's final as no."




"Takot ka lang sigurong matalo ko." Ngumisi ako ng makitang ume-epekto sa kaniya ang mga sinabi ko.




Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat