Chapter 3

2.6K 143 37
                                    

Chapter 3: In The Shop

Fia PoV,

DUMAPO ang palad ko sa pisngi ni Spade dahil sa gulat. "Gusto mo'kong buntisin?! Gago, wala pa tayong label gusto mo agad akong magdala ng bata sa sinapupunan?!" Pulang-pula na ang mukha ko sa galit.

Sinapo niya ang pisngi kung saan ko nasampal. "It hurts, baby."

"Huwag mo akong ma-baby-baby!" Singhal ko.

"Honestly, I just want to call you baby, what's wrong on that endearment? You're my baby, for the meantime but we can have baby if y---"

Nakatukan ko na ito sa ulo. "Umayos ka, Spade!"

Hinuli nito ang kamay ko at hinawakan iyon. Bumalot ang mainit niyang palad sa kamay ko, hindi iyon nakakapaso, tama lang ang init ng kaniyang balat. "I'm serious, Fia. I want to have a child on you but I know you're not yet ready. As what I said, earlier, I know how to wait ~I'd spend 10,000 hours, and 10,000 more, oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours, and I might never get there, but I'm gonna try, if it's 10,000 hours for the rest of my life, I'm gonna love you~" kinanta pa niya ang 10,000 hours by Dan+ Shay&JB.

Napatawa ako ng mahina dahil sa ginawa ni Spade. Maganda ang kaniyang boses, buong-buo at magandang pakinggan. "Alam mo ang kanta na yun?"

Bumalot ulit ang braso niya sa katawan ko. "Hm-hm, you love that right?" Mahinang tanong nito.

"Parati ko yan naririnig kay Kuya Mar Yuhan kaya nagustuhan ko na rin."

"How about this song; ~Maybe we're friends, maybe we're more
Maybe it's just my imagination
But I see you stare just a little too long
And it makes me start to wonder
So baby, call me crazy
But I know you feel it to
Maybe I, maybe I, just gotta get next to you~" kinanta niya ang Next To You ni Jordin Sparks.

"Paborito mo yung kanta na yun?" Tanong ko dito.

"Hm-hm, it's my favorite since the day you sang it."

Napatango ako. Kinanta ko yun noon sa isang event noon sa RIHS. "May naalala pala akong gago ka," kumalas ako sa yakap niya at sinamaan siya ng tingin.

Kumunot ang noo niya, hindi alam ang dahilan kung bakit biglang uminit ang ulo ko. "Baby?"

"Baby mo mukha mo! Alam ko ang ginawa mo!" Bintang ko dito.

"W-what? I don't know what you're talking about."

Nilagay ko ang dalawang kamay sa balakang. "Galing ako sa Dean's Office!" Pahiwatig ko.

Nakuha ni Spade ang sinasabi ko. "About that? Ayaw mo ba nun?"

"Alin dun sa dalawang ginawa mo? Yung pakikipagsabwatan sa Dean para kunin ang lista ng lahat ng ugok? O yung pagbabalik sa lista ng mga ugok, kasama na ang pangalan ko para mapunta tayong lahat sa iisang Class?"

Hindi ko sana kaklase ang mga ugok at Hari nila kung hindi sa kagagawan ni Spade.

"Both?" Tanong niya, "I mean, yeah I did that, ayaw mo ba nun?"

"Tinatanong pa ba yan? Malamang ayoko nun! Kasawa mga pagmumukha niyo!" Sigaw ko.

Agad na dumilim ang kaniyang paningin. "B-bawiin mo ang sinabi mo," utos niya sa'kin, nakanguso ngunit seryoso.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now