Chapter 40

1.8K 113 7
                                    

Chapter 40

Fia's PoV,

ANG SAKIT NG ULO KO.

Pakiramdam ko, mabibiak ito anumang oras na igalaw ko ang aking katawan. Nahihilo din ako.

Bakit kaya ganito ang pakiramdam ko?

Ayaw pang magmulat ng aking mata ngunit pinilit ko itong buksan dahil baka malate ako sa klase ko ngayong araw. Alam kong maaga narin dahil may tumatamang init ng araw sa'king pisngi.

Ano bang ginawa ko kagabi?

Tumambad sa paningin ko ang puting kisame. Tumingin ako sa alarm clock na nasa gilid ng kama. Malapit na palang magstart ang klase pero bakit hindi ko pa naririnig ang bulyaw ni Kuya Yuhan sa labas ng aking kwarto?

Humikab ako at ininat ang mga braso ngunit agad ding napatigil ng pumasok sa utak ko ang korte ng alarm clock at ng buong kwarto.

Napabalikwas ako ng bangon na parang binuhusan ng malamig na tubig. "Putcha! Kaninong kwarto ako nakatulog?!" Nakayakap ako sa'king katawan habang nanlalaki ang mata.

Iba ang uri ng alarm clock sa kwartong ito, plane lang iyon samantalang si Cat Noir ang aking alarm clock sa sariling kwarto. Lahat ng gamit sa kwarto na ito ay puti--- siguradong hindi ito ang kwarto ko dahil wala si Lady Bug!

Kingina! Paano ako nakatulog kagabi ng hindi katabi si Cat Noir?!

Pinagmasdan ko ang aking suot, maliban sa sapatos at medyas ay wala namang nawala sa'king katawan.

Doon palang ako nakahinga ng maluwag. Kaso, biglang sumakit ulit ang aking sentido.

"Langya, bakit parang may hang-over ako?!" Tanong ko sa sarili dahil wala namang ibang tao dito sa loob kundi ako lang.

Napatulala nalang ako sa labas ng veranda ng maalala lahat ng ginawa ko kagabi.

"Shabeng red iyooon, e!"

"Ano nga ulit pangelen nung...nung babae ni Ishpayd?"

"Tsssh! Apple? Ang pangit namang name nun! Walang binatbat sa Marco Naomi Sofia!"

"Mas kyut naman ako sa Apple na yun! Diba?"

"Kyut ako kaysa kay Mango, diba?"

"It is Apple, not Mango."

"Aiysh, ala akong paki! Pareho naman iyong prutas!"

"Mas maganda pa ako, dun! Sige, pag-umangal ka, kakatayin kita at ipagkakasya yang katawan mo sa bote ng alak! Usto mo yun?"

"Kaya nga 'no, bakit hindi nalang din ikaw ang nagustuhan ko?"

"Sige nga, Jack! Try mo i-kiss ako! Malay mo may ishpark!"

"Putanginang Spade 'yun! Nanggigigil ako sa pagmumukha niya! Biruin mo, pinalitan agad ako! Pinagpalit niya ako sa isang mansanas na mukha namang ube!"

Natuptop ko ang aking bibig. Bakit walang preno itong bibig ko kapag lasing? Sana lang talaga hindi ako nagmukhang hunghang kagabi sa harapan nila.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now