Chapter 23

1.9K 107 45
                                    




Chapter 23: Breakfast In Trouble





Fia PoV,




"KUYA, PINATAWAG niyo daw ako?" Matamlay kong tanong sa panganay kong kapatid. Pinapunta niya ako sa kaniyang opisina sa di malamang kadahilanan. Kahit wala akong ganang maglakad ay pumunta parin ako, baka importante ang kaniyang imumungkahe.






"Yeah---wait, you sound low." Sinuri niya ang aking mukha, na parang isa akong alien na galing sa milky way na kailangan niyang pag-aralan.








Low daw ako. Pano ba maging high? Kailangan ko ba magshabu?





"Kuya, gutom ako. Sa tingin mo magkakaroon ako ng lakas gayung hindi pa ako kumakain?" Peste kasi ang Hari ng mga ugok, yun tuloy hindi ako nakakain sa kanila kanina!




"May pagkain sa kusina, there's no reason you should blame me or someone in this family." Pangangatwiran niya.






Napakamot ako ng ulo. Ngumiwi si Kuya Mar Yuhan sa ginawa ko, bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na. "Wala akong kuto!"




"I'm not talking about your pet in that messy hair of yours but since you bring that topic, kailan ka huling nagsuklay?"





Ngumiti ako na kita ang gilagid. "Kanina! Sa mansyon nila Khanz at Alex!" Napatakip ako ng bibig. Shit! Nadulas!







Nanliit ang mata niya na parang nagdududa sa'kin kaya't binawi ko ang aking sinabi kanina. "Biro lang yun!"





Pinaharap niya ang kaniyang laptop kung saan naka-konek ang security ng mansyon. "I reviewed the CCTV, earlier and I found out that SOMEONE thievishly get out from HER room. And that SOMEONE is no other than YOU."






Napapikit ako ng hampasin niya ang lamesa. Tumakas lang ako kagabi para mapuntahan ang mga ugok sa bar, buong akala ko walang makakaalam nun kaso may hidden CCTV pala si Kuya Mar Yuhan maliban sa mga obvious CCTV na naka install sa mansyon. Todo tago pa naman ako kapag nakakakita ng CCTV, ang hindi ko alam, may mga nagmamasid din pala na hindi ko nakikita.







Isa-isa niyang nilantad ang mga litrato ko habang tumatakas paalis ng mansiyon, merong nanlalaki ang mata sa CCTV, may gumagapang sa sahig para maiwasan ang camera, may nakalambitin sa barandilya ng hagdan, at may naglalakad ng patiwarik.





"Kuya! Tama na!" Nahihiya ako sa hitsura ko doon, tinakpan ko ang aking mukha at hindi tiningnan ang screen ng kaniyang laptop.




"Marami pa ito, c'mon you gonna watch how immature you are!" Dinig ko ang tunog na ginagawa ng kaniyang laptop kapag nagpipindot siya ng tab.





"Kuya! Sorry na!" Pagmamakaawa ko.





"Gasgas na yang sorry mo, gusto kong makarinig ng bago."





"Pasensya na?" Hindi siya umimik, tanda na hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.





"Oo na! Magsisimba ako bukas!" Sana lang talaga, hindi ako karmahin sa pagsisinungaling ko.





"You're lying."




"Isasama ko mga demonyo kong kaklase para sigurado!" Pano kung hindi pumayag ang mga ugok? Kampon din ang mga iyon ni kadiliman!





Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now