Chapter 6

2.4K 146 8
                                    

Chapter 6: Lunch

Fia PoV,

NATAMPAL ko ang sariling noo, problemado sa mga ugok. Seryoso, kailan sila magtatanda?

Nagngitngit ang bagang ko habang tinitingnan ang mga puwesto nilang lahat, ginawa na nilang sariling bahay ang bilihan ng mga silya dito sa mall.

Nakahiga si Miguel sa isang corner sofa na kulay abo't nakalagay pa ang braso nito sa ulo.

"Sir, kailangan niyo pong umalis diyan, baka madumihan po," nagtitimpi na sa galit ang sales lady.

Ngumuso si Miguel at tinapik ang sofa, "gusto mo humiga? Tabi tayo."

Sobrang pula na ng mukha ng sales lady, kombinasyon ng galit at kilig. "Sir, madudumihan po." Paulit-ulit na paalala nito.

"So? Magkano 'to? Babayaran ko," kaswal na tugon ni Miguel.

Dumako ang tingin ko kay Carl, nakaupo ito sa kulay kayumangging leather armchair na hugis kalahati ng bilog at nakapatong ang mga paa sa armrest ng single sofa.

"Sir, please don't be heard headed," problemado na ang sales lady na kaharap nito.

Tumalim ang tingin ni Carl, "alam mo bang sobrang napagod ako?! Ultimo pag-upo ko dito pinagbabawalan niyo?! Pano malalaman ng mga customer kung maganda o pangit ang single sofa na ito kung hindi uupuan?! Tch, magkano 'to?"

"Babayaran niyo ho, Sir?"

"Hindi! Tinatanong ko lang! Masama bang magtanong?! Ganiyan ka ba sa mga customer na nagtatanong ng presyo? Binibigay lang ba ang presyo kapag babayaran?!"

"Hindi niyo sila sasawayin?" Tanong ko sa tatlong manyak na katabi ko.

Ilang segundo pa ang nakalipas ngunit hindi ako nakakuha ng sagot galing sa kanila kaya't tiningnan ko na.

Umawang ang labi ko't sinundan kung saan sila nakatulala...ayun! Sa isang sales lady na sobrang iksi ng suot!

Tag-iisang batok ang binigay ko sa tatlo at nakapamaywang na tumayo't hinarap sila.

"Ouch!"

"Sakit ah!"

"Fia!!!"

"Fia! Huwag ka ngang humarang sa view! Tumabi ka diyan!" Sigaw ni Xharles sa'kin. Pilit itong gumawa ng paraan para matingnan ulit ang sales lady ngunit hindi ko ito hinayaan at mas lalo pang humarang.

"Pano kung ayaw ko?" Tangina, tinatanong ko sila pero wala naman pala sa'kin ang atensiyon!

"Anong gusto mo? Bibilhin ko!" Tinanong ako ni Ace.

"Tangina, akala niyo sa'kin bata na kailangan ng laruan para umalis?!"

"Mimi, huwag kang magselos dahil sa sales lady kami nakatingin, alang ka naman ikaw ang pagpantasyahan namin, baka patayin kami ni Spade kaya alis!"

Umawang ang labi ko, "L-Lawrence paki-ulit nga ng sinabi mo."

"Ano ka suwerte? Ubos na ang data hindi ito unlimited,"

Isang batok ulit ang iginawad ko kay Lawrence, "hindi ko tinatanong ang pesteng load na yan! Ang layo mo sa usapan!"

"Ano kasi yung tanong mo kanina?" Tanong ni Xharles.

"Sabi ko kako, sawayin niyo ang mga ka-uri niyo! Ginawa na nilang sariling bahay ito!"

"Ayoko, kay Spade, Alex at Khanz lang nakikinig ang mga yan," tugon ni Ace.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now