Chapter 14

1.9K 115 32
                                    

Chapter 14: Pano Magalit?

Fia PoV,

"ANONG ORAS siya gigising?" Yamot na yamot na kami sa kakatanong ni Carl.

Lahat kami ay naka-abang sa paggising ng prinsesa ni Jin. Isang oras na itong tulog at ang mas malala, ay sa kwarto ko ito nilagay. Shutrages talaga, ang daming guest room dito, bakit sa kwarto ko pa?!

"Can you just shut the fuck up?" Parating minumura ni Khanz si Carl sa tuwing nagtatanong ito.

"Pano ako tatahimik kung kanina pa ako gutom?!" Sa wakas, sinabi niya rin ang totoo na pagkain lang ang katapat sa mala-buwaya niyang bibig.

"Blaine, samahan mo muna si Carl sa kusina, may orange cake dun," utos ni Tita Jennalyn.

Napakamot ng ulo si Blaine. "Hahaoya, he's old enough to walk without me on his side!" Reklamo nito.

"But he doesn't know where I put the cake," pangangatwiran ni Tita.

"Tita, may lahing aso si Carl, kaya niyang amuyin kung saan nakalagay ang cake." Nakangising saad ni Ram at tinapik si Carl said balikat.

"M-may lahing aso rin ako! Sasama ako sa pag-amoy ng cake. He-he-he." Wika ni Francis at hinila si Carl palabas ng kwarto.

Katahimikan ang bumalot sa buong silid, ang iba samin ay naka-upo, karamihan ay nakatayo. Andito kaming lahat maliban kay Kuya Markier na hindi namin nakita simula nung umalis ito sa kusina.

Siguro...nagpalaya na siya?

Si Jin ay naka-upo sa gilid ng kama at paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ni Janeit na natutulog pa rin hanggang ngayon. Kanina pa ito tahimik, siguradong mabaho na ang hininga niya dahil na-stock sa bibig niya ang hangin.

Tanging tunog lang ng utot ni Jerry ang naririnig namin. Pero okay lang, mabango naman ang utot ng ugok na'to. Siguro, umiinom siya ng Downy kaya ganiyan kabango ang utot niya? Itanong ko kaya?

Chos lang!

Sobrang tahimik ng paligid, kahit paghinga nila ay bilang---

♪Twinkle, twinkle little star,

how I wonder where you are.

Up above the world so high.

Like a diamond in the sky.

Twinkle, twinkle little star♪

Lahat kami ay napatingin kay Ace ng tumunog ang cellphone niya. Putangina? Ganiyan ba siya katino para pati ringtone ng cellphone ay Twinkle, Twinkle Little Star?

"Ops, I'm sorry. My Aunt is calling me." Paghingi nito ng tawad, dumiresto sa veranda at doon sinagot ang tawag ng Auntie niya.

"May saltik ba ang isang yun?" Tanong ni Blaine na parang mas matanda pa siya kay Ace.

"Sus, naalala mo lang yung kaklase mong bakla na nagnakaw ng halik sa labi mo." Wika ko na mas lalong kinainis niya.

Nung nasa daycare si Blaine, ako parati ang naghahatid sundo sa kaniya. Minsan akong tumatambay sa daycare school para mang-inis ng bata, kasiyahan kong makitang may umiiyak na bulinggit kaya parati akong nasa paaralan nila. Matapos ang klase ko nun ay binisita ko siya, saktong tumutugtog ang nursery rhyme na: Twinkle, Twinkle Little Star ng aksidenteng nahalikan nung baklang bulinggit si Blaine. Halos tumungga na ng alcohol at ammonia si Blaine dahil diring-diri ang loko.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now