Chapter 24

1.8K 113 12
                                    







Chapter 24: Dean's Office





Fia PoV,






"I'LL BUY MCDO for you," seryosong wika ni Lucas at natawa ako.






"Sira! Ayoko! Ayaw kitang pakasalan kaya't maghanap ka nalang ng ibang mabibiktima mo!"





"But I want you."





Umiling ako, kanina pa tumatawa. Langya! Nababaliw na ba ako? Epekto ba ito ng gutom?





"Bye Lucas!" Sumigaw ako ng nasa tapat na ng gate ng aming mansyon.





Pasimple kong nakita ang pagmamasid ni Lucas sa buong labas ng mansyon bago ako balingan. "Take care." Nagulat pa ako ng dumampi ang labi niya sa noo ko.







Namula ang mukha ko at tumango. Nang maka-alis na si Lucas ay saka ko palang binuksan ang gate ngunit napaatras din ako ng makita ang labing-walong pares ng mga mata na nanlilisik sa'kin.






"B-bakit ganiyan kayo makatingin?" Takot kong tanong sa mga ugok. Parang handa na sumabak ang mga ito sa gyera, lalong-lalo na si Spade.






"Sino ba yung lalaking iyon?" Tanong ni Ram. Hindi ko pa ito sinasagot ng magtanong naman si Glenn.






"Bago mo?"







"Pinalit mo na si Spade sa isang iyon?" Kev.






"Pabalikin mo dito ang bago mo, suntukan kami." Niflex pa ni Francis ang kaniyang muscles sa braso.





"May bayag ba iyon? Mukhang bakla kung makakilos." Inosenteng tanong ni Miguel.






"Mas mayaman ba iyon kay Spade? Kaya niya bang sustintuhan kaming mga anak mo? Kaya niya kaming bilhan ng chocolates?" Nagniningning ang mata ni Carl.






"Mas masaya ka ba sa kaniya?" Malungkot na tanong ni Adones.





"Bakit yun pa ang pinalit mo kay Spade kung puwede namang isa sa'ming andito." Nakanguso si Jerry.





"May abs ba yun?" Jack.




"Marunong magjogging yung bago ni Fia, samantalang kayo, tumatakbo lang paghinahabol ng aso." Ungot ni Micco.






"Nakita ko ang lalaking iyon! Nagmamay-ari iyon ng paborito Cafe ni Ate! Bakla iyon!" Thor.






"Mas tunay na lalaki pa nga ako doon! Itanong niyo sa girlfriend ko!" Pagmamaktol ni Mykel.






"Ireto ko na sarili ko, Fia. Wala na kayo ni Spade." Nakangising wika ni Xharles.






"Marunong din akong magjogging, Mimi. 'Di hamak na mas magaling pa ako sa bago mo. Kaya kong magback flip habang nagjojogging." Nagyayabang si Lawrence.






"Sus, wala kayong panama sa'kin. Kaya kong ilipad si Fia! Puwede kaming gumawa ng kaharian sa ulap!" Sumabay pa ang lokong si Ace.





Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя