Chapter 34

1.6K 115 17
                                    


Chapter 34: Ms. Ocampo and Spade?

Fia PoV,

"I'M HIRING you as my 24/7 wife since you know how to cook adobo."

Nakanganga ako habang pinagpapawisan ng malamig. "Ha?"

Mabilis ang kamay ni Kuya Yuhan na kinuwelyuhan si Azul, kahit magsinglaki at magsingtaas sila ng katawan ay hindi pumalag si Yuhan, diniresto niya lang ng tingin si Kuya Yuhan, walang mababakas na takot o pangamba kay Azul.

Pupuntahan ko sana si Kuya Yuhan kaso may humila sa damit ko papasok sa kotse at awtomatik na nilock ang pinto.

"Stay here." Matalim ang tingin ng kambal na binilin sa'kin bago lumabas ng kotse.

Wala akong nagawa kundi buksan ang salamin ng bintana para marinig ang usapan nila. Nangangamba ako na baka bugbugin nila si Azul dahil sa biro nito kanina.

"We're against on your proposal. Hindi mo puwedeng pakasalan si Marco." Si Kuya Mark Yuri na ang nagsalita ng makitang walang balak si Kuya Yuhan na ibuka ang bibig.

Natampal ko ang aking noo. Puwede naman niya akong ipahiya sa tapat ni Azul pero sana h'wag naman ganiyan, tinawag niya ako na Marco! Putrages!

"The answer is fucking die!" Hinawakan ng kambal si Kuya Yuhan bago pa nito masuntok si Azul.

"Kuya! Tama na yan! Uwi na tayo!" Sigaw ko ngunit hindi sila bumaling sa'kin.

"I'm not going to marry one of you so I don't need your consent. Si Fia ang gusto kong pakasalan--- wait who's Marco?"

Sabi na, e!

"E, gago ka pala. Gusto mo pakasalan kapatid ko pero kahit complete name niya hindi mo alam?" Asik ni Kuya Markier.

"Nonetheless, I'm going to marry her." Kaswal na ani Azul.

"Dahil marunong siyang magluto ng adobo?" Nakakakilabot ang ngisi na sumilaw sa bibig ni Kuya Markier. "Oh dear man, hindi nga yan marunong maggisa ng sibuyas, magluto pa kaya ng adobo?"

Ang sakit na ah. Pinapasakit nila damdamin ko sa paglalantad ng katotohanan.

"You dumbass shit, come here!" Ginapos na ng kambal si Kuya Yuhan sa pulso bago pa ito makagawa ng gulo.







"MS. KARIZOU, YOU LISTENING?!"

Hindi ko nakalimutan ang nangyari nung sabado kaya ito ako ngayon lutang sa klase ni Ms. Ocampo.

"Anak talaga ng matandang dalaga oh." Bulong ko ng makalapit si Ms. Ocampo sa aking harapan.

May galit si Ms. Ocampo sa aming mga taga-CT, napilitan lang itong magklase sa Class namin dahil wala siyang choice, kahit kunting kaluskos ng upuan ay nagagalit ito, pano pa kaya na lutang ako habang nagdada-dada siya ng kung ano-ano sa harap ng white board?

Kasalanan ko bang ang boring ng klase niya? Kahit nga Hari ng mga ugok, pasimpleng natutulog, si Thor kunwaring nagbabasa ng libro ngunit sa loob pala nito ay pocket book na siyang binabasa niya, si Alex na nakikinig sa musika galing sa kaniyang wireless earphones habang nakatingin kay Ms. Ocampo at ang iba pang ugok na busy sa pasimpleng pakikipag-usap sa kaniya-kaniyang katabi.

"What did you say?" Tumaas ang isang kilay ni Ms. Ocampo.

"A-ang sabi ko...anak ng...putik."

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now