Chapter 13

1.9K 119 10
                                    

Chapter 13: Dinner

Fia PoV,

ILANG BESES ko ng nakita si Jin na umiiyak at malungkot dahil sa pagkawala ni Janeit. Hindi ko na kayang tiisin ang kalagayan niya, pakiramdam ko, nasasaktan din ako sa tuwing umiiyak si Jin sa balikat ko. Mahal na mahal niya si Janeit tulad ng pagmamahal ni Kuya Markier kay Janeit. May isang masasaktan sa kanila sa oras na pumili na si Janeit kung sino sa kanilang ang mahal niya.

Masama ba akong kapatid? Bakit hahayaan kong si Kuya Markier ang magpaubaya gayung pareho lang sila ni Jin na nagmamahal? Bakit ba kasi iisang babae ang mahal nila?

"P-princess, stand up..." Pahina ng pahina na saad ni Kuya Markier ng makitang nakaluhod ako.

"Kuya... nagmamakaawa ako, please...iba nalang ang mahalin mo, h'wag lang si Janeit." Nakahawak parin ako sa kamay niya ng mahigpit. Unang beses ko itong ginawa, ang lumuhod para pagbigyan ako.

"F-fia, hindi ganun kadaling magmahal ng iba. All my life, I don't know that I can be this shit just for a girl. I play with the feelings of others, dahil manhid ako. Hindi ko alam kung gano sila nasasaktan sa tuwing iiniwan ko sila sa ere kapag tapos na ako sa kanila. I hate clingy girls and too emotional, masakit iyon sa pandinig ko not until Janeit came to my life. Lahat ng emosyon naransan ko, she made me realize that girls aren't meant to be broken, hindi ko dapat sila pinapaiyak. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito katindi, Fia. Hindi ko siya kayang hiwalayan, kahit lumuhod ka pa at lumuha ng dugo...I can't, I'm sorry."

Siguro...wala na nga talaga akong magagawa. Tumango ako at pinunasan ang luha.

"Stood up, Fia. I can't bear watching you kneeling in front of me, it broke me. Nasasaktan ang kuya mo." Pilit siyang nag-iwas ng tingin, kita ko ang paggalaw ng adams apple niya at dinig ko rin ang pagsinghot niya.

Hindi ko siya sinunod at umupo sa sahig.
Pagkatapos ng segundong walang usapan ay umupo din siya sa harap ko at pinagpantay ang tingin namin.

"Kuya, mas mahal mo ba si Janeit kaysa sa'kin?" Puno ng selos ang tanong ko.

"It's not like that, Princess." Natataranta niyang sagot. "I love you more than anyone...iba ang pagmamahal ko kay Janeit, it's in a romantic way. Are you thinking that I might forget you because I already have a girlfriend?"

Iyon ba talaga ang dahilan? Nagseselos ako?

Nasasaktan ako, dahil mahal ni Kuya si Janeit kaysa sa'kin. Parati niyang sinusunod lahat ng gusto ko ngunit itong pabor na'to ang hindi niya kayang ibigay kahit lumuhod at umiyak na ako sa harap niya.

Pakiramdam ko, nag-iisa lang ako... walang nagmamahal na Kuya sa'kin kahit tatlo ang kapatid ko. Natatakot ako na baka makahanap na rin si Kuya Mark Yuri ng babaeng papakasalan, baka hindi na nila ako maisip. Si Kuya Mar... malapit ng pakasalan si Ate Icy, baka kalimutan na niyang may kapatid siya kapag nagkapamilya na sila ni Ate Icy.

Malungkot ako, yun ang totoo. Simula bata ay kulang ako, minsan ko lang makita ang mga kapatid ko dahil parati silang busy, walang time para sa'kin. Bata palang ako ng mawalan ng magulang, pilit kong inintindi kung bakit pagkatapos ng libing ni Dad at ni Mom ay nagpa-Singapore agad sila Kuya at pumunta naman sila Lolo, Tita at Blaine sa Japan. Naiwan ako sa mansion na'to ng mag-isa. Minsan naiisip ko kung mahal ba nila ako? Minsan lang kami magkita-kita sa isang taon, minsan lang nila ako kamustahin at lambingin tapos maghahanap agad sila ng ibang prinsesa?

Pano na ako?

"Princess, you're always be the love of my life. Mahal ka ni Kuya at hindi kita iiwan kahit magka-anak at magkapamilya na ako---"

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now