Chapter 29

1.9K 132 12
                                    






Chapter 29: Mission Abort









Fia PoV,







KINAMOT KO ang aking ulo, sinama ko na ang aking leeg, braso, mukha, tiyan, dibdib, hita, paa, daliri--- putangina! Nangangati ako!






Putang mga langgam iyon, tinira ba naman balat ko!






"MAAAAAAAAAAAA!!!" Tinawag ko si Mommy, ngunit nagulat ako ng pati mga kapatid ko ay pumasok sa aking kwarto.




"Asan magnanakaw?" Sadyang nilampaso ni Kuya Mar Yuhan ang pinto ng aking kwarto, pumasok ito at kinasa ang dalawang baril na hawak habang alerto sa paligid.



"May sunog ba?" Tanong ni Kuya Markier, may dala itong fire extinguisher, naka face shield at helmet pa ang bakla.



"Anong problema dito?" Ani Kuya Mark Yuri, may dala itong maso na sobrang laki.



"What's happening, Princess?" Tanong ni Mommy at umupo sa aking gilid.



"Iiiiiih! Makati balat ko!" Mangiyak-ngiyak kong saad habang kinakamot ang aking katawan.



"Nakarma siguro bibig mo." Walang ganang binulsa ni Kuya Mar Yuhan ang kaniyang baril at pinagkrus ang braso bago sumandal sa gilid ng pinto.



"Yan, sige, keep on cussing. That's what you get. Kinarma ka na ng dyosa ng mga pantal." Binaba ni Kuya Mark Yuri ang kaniyang maso na dala-dala.



"Akala ko nasunog na kwarto mo, katawan mo lang naman pala ang nasunog. Don't worry, dear sister, wala ka ng ipapangit kahit mangati ka pa diyan." Pataray na saad ng bakla kong Kuya, inipit nito sa kili-kili ang helmet na kanina'y nasa ulo niya.



Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong minura ang tatlong ito sa'king isipan. "MOOOOOOMY!" Todo kalmot ako sa'king katawan dahil sa sobrang kati.


"I can't see the effect on your skin." Malalim ang gatla sa noo ni Mommy, tinitingnan kung anong problema sa balat ko. Kaunlanan ay inutusan nito si Kuya Markier. Markier, open the light please." Dahil lamp lang ang bukas na ilaw sa'king kwarto ay mga aninag lang ang nakikita naming lahat.




Ni-on ni Kuya Markier ang switch, lahat sila ay nanlaki ang mata habang sinusuri ang kabuuhan ng aking katawan.




"A-ano...?" Takot kong tanong. Ano bang mayroon sa balat ko at ganiyan sila makatingin? Baka naman, naisipan ni Taylor Swift na sumanib sa'king katawan kaya't ganiyan nalang sila kung makapagreact? Laglag panga talaga silang apat, kulang nalang pati ngipin nila malaglag.



"L-look at your skin!"

Sinunod ko ang sinabi ni Kuya Mar Yuhan. Dahan-dahan kong inangat ang aking braso tungo sa'king paningin, halos pati kilay ko ay nalaglag dahil sa'king kalagayan!



"What happened at your skin? Also at your face? Bakit ang daming kinagatan ng insekto?!" Pagalit na tanong ni Kuya Mar Yuhan.


"Langgam kumagat sa'kin!" Pagtatama ko. Naalala ko palang ngayon na langgam pala ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang aking balat.



Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now