Chapter 7

2.5K 149 23
                                    

Chapter 7: Skating Rink

Fia PoV,

"Fia, calm down. You need to calm down," naramdaman ko ang paglapit ng mga ugok sa'kin at pilit akong pinapakalma.

"Kasalanan niyo 'to! Kung nakinig lang kayo kay, Fia--"

"Kasama ka, Jack. Hindi lang kami."

Natatakot akong pagmulat ng mata ko ay may mapatay akong tao kaya nanatili akong nakapikit. "L-lumayo kayo sa'kin." Babala ko sa mga ugok habang nakapikit. Pumatak ang isang butil ng luha sa'king pisngi ng maalala ko ang nangyari kay Troy at sa mga kasamahan nito, pati na rin ang dahilan kong bakit ako muntik ng mamatay at ang panahon kung saan ko piniling saktan si Spade---

Naramdaman ko ang brasong yumakap sa'kin. "Calm down, baby. You need to relax. I'm sorry I didn't listen on you when you told me to stop. I'm sorry, baby. Shhhh." Lumambot ang boses nito.

Unti-unting nawala ang galit na aking nararamdaman at dahan-dahan kong minulat ang mata.

"Are you okay?" Tanong ni Spade.

Tumango ako bago siya halikan sa labi, agad kong nalasahan ang--- di joke lang sinampal ko talaga siya.

"Kayo ang may kasalanan nito!" Sigaw ko sa kanila.

"Bakit kami?" Untag nilang lahat.

"Guard! Ayun po yung may hawak ng baril! Yung babae po!" Napalingon kaming lahat sa isang babaeng may kasamang guard.

"Hand me the gun," walang pag-aalinlangan na ibinigay ko kay Spade ang baril, tinago niya ito sa bulsa ng pants niya.

Sinamaan ni Alex ng tingin ang sampung lalaki, "sa empyerno ang punta niyo kapag sinumbong niyong may baril si Fia. Understood?" Nagsitanguan ang mga ito.

"Hindi kayo aalis?" Nanlalaki ang mata kong sabi sa mga taong nakiki-isyuso. Nagkawatak-watak ang mga ito. Ilang segundo lang ay ang sampung lalaki at mga ugok nalang ang andito kasama ang guard.

"Asan sa inyo ang may baril?" Tanong ng guard.

"Siya ho!" Tinuro ni Carl yung lalaking may hikaw.

"Anong ako? Andiyan sa kaniya ang baril!" Tinuro ng lalaking may hikaw si Khanz.

"Me? Wala sa'kin! Nasa kay Lawrence!"

"Tch, anghel ako! Hindi ako marunong humawak ng baril! Baka nasa kay Jin!" Tinuro ni Lawrence si Jin.

Litong-lito na ang guard sa kanilang lahat.

"Are you nuts? Andiyan sa kaniya ang baril!" Nginuso ni Jin si Thor.

"I'm Thor, mjlonir ang hawak ko, hindi baril," tukoy ni Thor sa malaking martilyo na parating hawak ng diyos ng kulog at kidlat, "baka na sa lalaking iyan." Tinuro ni Thor ang lalaking nakapulang damit.

"Wala sa'kin!" Nanlalaki ang mata ng lalaki. "Andiyan sa kaniya yung baril! Sigurado ako! Nakita ng dalawang mata ko!" Tinuro nito si Carl.

Sinamaan ni Carl ng tingin ang lalaki. "Cute ako, hindi marunong humawak ng baril ang mga cute. Nasa kaniya yung baril." Turo ni Carl kay Kev.

Lumapit ang guard kay Kev. "Nasa iyo ba ang baril?"

Paulit-ulit na umiling si Kev. "I'm not guilty! Hindi ako marunong humawak ng baril."

Nawalan na ng pasensya ang guard kaya nahampas nito ang lamesa. "NASAAN BA TALAGA SA INYO ANG MAY HAWAK NG BARIL?!"

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now