Chapter 9

2.3K 146 47
                                    

Chapter 9: Preparation For FD

Fia PoV,

"WHAT do you think about this, baby?" Malapad ang ngisi ni Spade ng tanungin ako, sumulyap ito sa'kin bago tingnan ulit ang pinaghirapan nila ng mga ugok na auction venue.

Pinaghalong kumbinasyon ng pula at itim ang desenyong ginawa ng mga ugok. Maraming bombilya ng ilaw ang kanilang nilagay, bubuksan iyon pagsapit ng gabi. Ang isang daang silya ay nasa-ayos narin, nakapuwesto ito sa tapat ng ginawa nilang stage na gawa sa kahoy. Sa ibabaw ng mga silya ay nakalagay ang tag-iisang itim na maliit na board, tapos ko na iyong sulatan ng mga numero.

"Maganda," tugon ko sa tanong ni Spade.

"Ka,"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Spade, "ka?"

"Tsss, nothing." Ginulo nito ang buhok, umalis sa harapan ko.

May tupak talaga ang isang yun simula kanina. Baka nagkaroon na siya ng regla?

Hindi ko nalang pinansin ang pag-iinarte ni Spade at lumapit kay Alex.

"Wow, ikaw nagpinta niyan?" Mangha kong tanong kay Alex habang nakatingin sa isang karatula kung saan nakalagay ang Class namin. Makulay iyon, malinis at makinis ang pagkakagawa, pulido, walang mali.

"Yup, beautiful isn't it?"

Tumango-tango ako, hindi parin mawala ang pagkamangha sa'king mata.

"You seem too surprise," nakangiti parin ito.

"Hindi ko alam na magaling ka magpinta," pagsasabi ko sa totoo.

Nawala ang ngiti sa labi ni Alex at tumango ng payak, inayos nito ang salamin sa mata bago pasadahan ng kaniyang daliri ang sariling pininta. "You didn't know that I'm good at painting?" May tampo sa boses niya.

"Hehehe, hindi ka naman kasi nagkukuwento," parang gusto kong gumuho ang inaapakan namin at lamunin ako ng apoy bago idala sa empyerno.

"You didn't ask too," sa mababang boses niyang sabi, "yeah, Spade is the center of your eyes, I can't get any attention from you cause they'll always him."

"Tampo ka?" Nakalabi ako.

"Just go somewhere else before Spade caught you talking with me. You know how possessive your boyfriend is."

"Hindi ko siya boyfriend," pagtatama ko.

"Papunta narin yun doon. I'll paste this so they'll know what Class are we," tukoy niya sa kartulinang may pininta niya, "I usually don't want someone beside me when I'm busy on something, it making me uneasy."

Pumunta ako sa likod niya at doon pumuwesto.

"Even at the back of me, Fia."

Talagang pinapaalis niya ako!

Naglakad ako at pumuwesto sa harapan niya. "Puwede na dito?"

"Stubborn, little princess. Bakit hindi mo puntahan si Jin? He surely need someone to lift his mood," Ginulo ni Alex ang buhok ko bago inguso si Jin.

Bumaling ako kay Jin, nakatulala ito sa kawalan habang may hawak na burger at juice. Parang malalim ang iniisip. Baka naman, naalala niya na hindi siya nagflash pagkatapos gumamit ng banyo?

Umupo ako sa tabi ni Jin at tumingin din sa malawak na field. Magulo ang field dahil may kaniya-kaniyang tent, booths at stall ang mga estudyante.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now