Chapter 46

1.9K 102 11
                                    

Chapter 46: Doubting Her

Fia's PoV,

"ARE YOU OKAY, NOW? Wala na bang masakit sa'yo? Fia, speak! I'm hella shaking here!" Sigaw ni Spade, marahan niyang dinadampi sa bandang puson ko ang ice pack.

"Okay lang ako." Bagot kong ani habang nakahiga sa kama dito sa infirmary. Hindi na ako pumasok para sa panghapong klase dahil sinumpong na ang puson ko. Kanina ko lang nalaman na tinagusan na ako, malala si Spade pa ang nakadiskubre sa silid paaralan. Sinamahan din ako ng ugok sa banyo at dahil siya lang ang andoon, napag-utusan ko itong manhingi ng napkins.

Ang gago, pagbalik sa tapat ng cubicle, isang bag na napkins na ang dala.

"Are you sure? Wala na bang masakit sa'yo maliban sa puson mo?" Nakakairita na itong si Spade! Paulit-ulit ang tanong! Mag-iisang oras na, ganiyan parin ang pinagsasabi niya!

"Okay lang ako." Kunting-kunti nalang at sasabog na ang pasensya ko.

"Wala na bang masakit sa'yo maliban sa puson mo? Sigurado ka?" Nakakabobo na! Grrrrr!

"Sigurado ako." Kunti nalang, makakasampal na ako! Putangina!

"Are you sure? Is there part of your body that aching, Other than your lower abdomen?" Tangina talaga! In-ingles lang!

"Spade, oo nga. Kulit?"

Bumuntong hininga ito bago ako tingnan ng malamlam. "Magsabi ka lang kung may masakit liban sa puson mo, okay?"

Ay, putangina!

"Nakakairita ka na! Paulit-ulit nalang ang lumalabas diyan sa bibig mo! Ang totoo, robot ka na ba?!"

"I'M JUST FREAKING WORRIED!"

Aba, sinigawan pa ako!

"Bakit mo ba ako sinisigawan?! Mas mainit pa ang ulo mo kaysa sa'kin! May dalaw ka ba ngayon?!"

"My Mom always have red days every month but not like this! Hindi sumasakit puson niya gaya ng sa'yo, that's why I'm worried! What if you're sick?! Kailangan kang maagapan!" Patuloy parin sa pagdampi si Spade ng ice pack sa bandang tiyan ko.

Pinigilan kong matawa. OA naman nito. "Hindi nga lahat ng babae sumasakit ang puson pag may regla! Ano ba?! Ilang beses ko ba iyon dapat sabihin at para tumatak sa isip mo?!"

Hindi ko na nabilang kung ilang beses na siyang bumuntong hininga. "Kapag mayroon ka, madalas din bang sumakit ang tiyan mo?" Biglang lumambot ang kaniyang boses.

Tumango ako. "Oo."

"Sinong naglalagay ng ice pack sa'yo?"

Napa-isip ako. "Nung nakaraang dalawang taon, ako lang pero si Yuwence talaga ang gumagawa niyan para sa'kin." Masyadong maalaga si Yuwence noon sa'kin kaya nga hindi ko maisip ng lubos na may karelasyon siya habang kami pa.

Napatigil si Spade sa pagdiin ng ice pack sa tiyan ko, ang kaniyang mata ay nagagalit. "Yuwence na naman? Kailan ko ba mapapantayan ang gagong iyon?!"

"Nalampasan mo na nga siya, e." Bulong ko, iwan ko lang kung narinig niya.

"W-what?" Nautal pa ito. Napangiwi ako ng makitang namumula ang kaniyang mukha na parang babae, ang kaniyang mata ay nagniningning na parang bata. Ipinatong ni Spade ang ice pack sa gilid ng kama nang manginig ang kaniyang kamay.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя