Epilogue

4K 247 117
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
EPILOGUE

Fia PoV,

KAKATAPOS palang ng klase namin sa Filipino at dahil Music ang kasunod na subject ay nag-uunahan agad ang mga ugok na makapunta sa Music Room.

Ang 'kala mo may mga bulate sa p'wet kung makatakbo paalis. Kahit malalaki na ang mga ugok, asal elementary parin ang mga ito. Kailan kaya sila magtatanda?

Ito rin ang napapansin ko sa mga ugok, aligaga ang mga ito sa paggupit ng mga pusong papel kahit malayo pa ang araw ng mga puso at kapag ako'y susulpot sa classroom ay itatago nila ang kanilang mga ginupit at nagkukunwaring abala sa ibang bagay. Hindi lang iyon, may naapakan din akong litrato ko kasama si Spade ngunit siguro'y namalikmata lang ako dahil dumaplis lang sa mata ko ang litrato dahil agad iyong naagaw ni Miguel mula sa kamay ko.

Basta, may kababalaghang nangyayari sa mga ugok.

Sasakbitin ko sana ang aking bag nang may kamay na humawak sa strap no'n. Napabuntong hininga ako, alam ko agad kung sino ang tarantadong nagpigil sa'kin na umalis.

Gagong Spade 'to, akala niya hindi ko alam na magka-chat parin sila ng babaeng hilaw na iyon? Oo, nagseselos ako! Sino ba naman ang hindi magseselos kung ang jowa mo may ka-chat na mas maganda pa sa'yo?

Weeeh? Jowa ko nga ba si Spade? 'Di joke lang, wala pa talagang kami pero sana galangin niya naman feelings ko dahil alam niyang gusto ko siya, hindi yung umaasal tarantado siya, peste.

Hindi ko alam ang pangalan ng babaeng hilaw na 'yon, pero sa mga chat niya, isang tingin palang, nilalandi niya talaga si Spade.

Wala e, pareho silang malandi. Tandem sila sa kalandian.

Tanggap ko naman na nag-uumapaw sa ganda, puti at kinis ang balat ng hilaw na iyon, pero tangina! Kaya ko ding lumunok ng kojic para maging kasing-puti din ako niya! Pesteng buhay ito.

"Ano ba, Spade---?!" Natikom ang aking bibig ng hindi si Spade ang nakahawak sa strap ng aking bag kun'di si Alex.

"A-Alex--- ano, pasensya ka na...napagkamalan kitang si Spade, pasensya na talaga." Paghingi ko agad ng paumanhin at nagbaba ng tingin sa kahihiyan. Masyadong tahimik na ang silid paaralan kaya't alam kong kaming dalawa lang ang natira dito sa loob.

"Fia," tawag ni Alex sa'kin kaya nag-angat ako ng tingin, saktong nanlaki ang aking mata ng lumapat ang kaniyang labi sa'kin ng hindi sinasadya.

Mabilis pa sa kidlat na lumayo kami sa isa't isa, muntik pa akong matalisod sa nakaharang na silya. Niyanig kami ng katahimikan, parehong gulat sa nangyari. Ang lakas ng sipa ng kabayo sa dibdib ko dahil sa kaba, wala sa sariling dinampi ko ang aking daliri sa labi ko.

"Damn! I'm sorry, it supposed to be a kiss on a forehead but y-you...you lifted your head." Natataranta niyang wika matapos ang katahimikan, hindi alam ang gagawin.

"A-ano..." Naghanap ako ng angkop na salita kung ano ang aking sasabihin. "Ano, kasalanan ko din naman. Umano--- este kalimutan nalang natin iyon." Sinakbit ko na ng tuluyan ang aking bag, nilampasan ko siya ngunit hindi pa ako nakakahakbang nang tuluyan ng marinig ang kaniyang boses.

"You should forget it cause only Spade has the right to touch your lips but for me...it was the best memory with you that I'll treasure." Wasak na wasak ang kaniyang boses.

Nagawa kong lingunin siya, nakayuko lang ito habang nakakuyom ang kamao. "A-Alex, akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Alam mo naman na ayokong magkaroon ng away sa pagitan ninyo ni Spade kaya pilit kitang iniiwasan, sana gano'n ka din. Iwasan mo rin ako para mawala ang nararamdaman mo sa'kin. Ilang beses na tayong nag-usap tungkol sa bagay na ito, Alex... sana maintindihan mo na si Spade ang mahal ko kahit tarantado iyon."

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now