Chapter 42

1.7K 109 8
                                    


Chapter 42: Project Partner



Fia's PoV,





"ANO KAMO?" Ulit ko, baka nabingi lang ako at iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Francis.





Yamot na nakatingin si Francis sa'kin bago magsalita. "Sabi ko, kako, gusto ko ng girlfriend."




Binatukan ko ito. "Wow, ah! Kung gusto mo ng jowa, maghanap ka!"




Napakamot ito sa batok. "Yun na nga problema ko, walang nakapasa sa standard ko."




Pinigilan kong matawa. May standard pa pala siya. "Ahhh." Tanging nasabi ko.




Wala akong pagpipilian kundi kausapin ang ugok na ito dahil lahat sila ay may kaniya-kaniyang kausap. Wala pa din ang propesor kaya malaya kaming makipagtsismisan dito sa loob ng classroom. Kausap ni Glenn si Jin kaya napilitan akong lapitan si Francis dahil mukhang problemado ito.




Akala ko nga namatayan siya, girlfriend lang pala ang hanap.





"Yun lang ang sasabihin mo? Ahh? Wala ka man lang advice kung paano ako makakahanap ng jowa?" Boses niya'y parang galit.




Siya pa ang nagagalit!





"E, gago ka pala! Wala nga akong lablyp tas sa'kin kapa manghihingi ng advice?!" Sarap niyang kutusan.





Napangisi ito. "Bitter ka nga pala." Sabay sulyap sa Hari ng mga ugok na seryosong nakikipag-usap kay Khanz.





"Tigil-tigilan mo akong gago ka!" Dinuro ko siya gamit ang ballpen.





"Tsh, titigil na!" Kinuha ni Francis ang ballpen sa kamay ko. "Wala ka bang kaibigan na puwedeng ireto sa'kin?"





"Wala!"





"Kahit mas pangit pa sayo basta wild." Ngumuso si Francis.





Ganiyan ba siya ka-atat na magkaroon ng jowa?





"Jowang wild?! Putangina, hindi tao hanap mo kundi tigre!" Bulalas ko, napatayo pa sa gulat.





Nagsilingunan ang mga ugok sa gawi ko.





"Sinong naghahanap ng jowa na wild?" Tanong ni Ace sa'kin.




Tinuro ko si Francis.




"Hanap mo yung wild?" Umupo si Ace sa silya ko. Ninakawan ako ng silya!




"Ako, nga bakit?"



"Wild ako, bebe! Puwede na ba?!"




Napangiwi kaming lahat.





"May morning sickness pa siya." Wika ni Mykel sa likuran ko.





"Nanggagago ka ata, hapon na ngayon! Anong morning sickness pa ang pinagsasabi mo?!" Singhal ko.


Ngumiti at nagpeace sign si Mykel sa'kin bago lumapit kay Francis at tinapik ito sa balikat. "Bigyan kita ng tips para magkaroon ka ng wild na jowa. Una, dapat mas mabangis ka pa sa tigre. Pangalawa, kailangan parati kang maangas at pangatlo. Nakikita mo ang dalawang ito?" Tinuro niya si Xharles at Ace na nasa harapan na nila.




Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now