Chapter 15

2K 111 10
                                    

Chapter 15: Opening Ceremony

Fia PoV,

"GOOD MORNING MIMI!!!"

Nailayo ko ang speaker ng cellphone sa'king tainga. Putanginang, Lawrence 'to, aga-aga binubulabog tulog ko.

"Isa kang malaking putangina ng mga pinakaputa sa lahat ng putanginahan!! In short, pakyu ka Lawrence!"

Dinig ko ang halakhak ng ugok sa kabilang linya. "Someone wake up on the wrong side of the bed." Boses iyon ni Khanz.

"Buwesit kayo kamo!" Limang halakhak ang narinig ko sa kabilang linya. "Asan ka ba Lawrence? Bakit ang daming asungot na ugok diyan?!"

"We're already at the university field, Mimi. Malapit ng magstart ang Foundation Opening Ceremony."

Natampal ko ang sariling noo. "Shit! Ngayon na ba yun?!"

"Ay hindi, bukas pa!" Mapanuyang tugon ni Lawrence. "Ano, pupunta ka dito o gusto mo pang may sumundong limousine diyan sa mansion niyo na may red carpet pang dala?"

"Paki sabi kay Spade, h'wag na akong sunduin. Marunong akong magdrive."

"Aye aye, captain!"

Pinatay ko ang tawag, tumayo sa kama at ginawa ang morning routine ko. Simpleng itim na shirt at black short ang sinuot ko, sinuklay ko lang ang buhok at hindi tinali. Puwede namang hindi mag-uniform ngayon dahil may okasyon sa unibersidad. Kinuha ko ang bagpack, sinuot iyon at umalis na ng kuwarto.

"'My! Alis na ako!" Sigaw ko ng makadaan sa kwarto niya.

"Hai, sweetie! Kooun wo inorimasu. Watashi wa anato wo aishitemasu."

"I love you too, My!" Tugon ko bago bumaba ng hagdan.

"Where are you going?"

Napahinto ako at hinarap si Kuya Mar Yuhan. "Sa university."

"Ng ganiyan ang suot?" Pinasadahan ako ni Kuya Mark Yuri ng tingin.

Tiningnan ko ang suot ko bago bumaling sa kanilang dalawa. "Ano namang mali sa suot ko?"

"Magbebenta ka ba ng kaluluwa mo?" Nakatingin si Kuya Mar Yuhan sa suot kong short.

"Magpanty ka nalang kaya. Nahiya ka pa sa iksi ng short mo." Tugon ni Kuya Mark Yuri.

"Saan ba kayo nakakita ng short na umabot hanggang paanan?!" Short nga kasi maiksi!

"Go back to your room and change that short of yours before I get mad and burn it." Wika ni Kuya Mar Yuhan.

Shit! Pano na 'to? Ang daming text ng mga ugok sa'kin at pinapamadali na akong pumunta sa university!

"Kuya naman---"

"It won't work." Sabay nilang sabi.

Bumuntong hininga ako at bumalik sa kwarto ko. Si Kuya Markier lang ang nakakaintindi sa'kin, siya lang ang kumakampi sa mga mga gusto ko kaso ang Kuya kong bakla, wala sa mansion. Kagabi pa daw umalis. Kasalanan ko rin naman eh, kun'di ko pinakialaman ang love life nila ni Janeit, e di sana, hindi ganito ang nangyari. Masaya si Jin at Janeit ng umalis kagabi sa mansion, sinubukang magpaalam ni Janeit kay Kuya Markier ngunit hindi ito lumabas ng kwarto niya.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now