Chapter 26

1.9K 113 8
                                    

Chapter 26: Babysitting 1



Fia PoV,


"YUNG PUSTA kong dalawang libo!" Sigaw ko ng makabalik kaming lahat sa silid. Sa kasamaang palad, hindi namin naabutan si Thor dahil sa bilis nitong tumakbo at hinala namin ay nagtago din ito.



"Best in hiding with a special awards in panloloko and pagnanakaw ng pera with an additional medal of kakapalan ng mukha si Thor!" Sigaw ni Ace. Sa aming lahat, siya ang pinakalugi dahil sampung libo ang pinusta niya kay Spade.



"Bantayan niyo ng mabuti ang gagong iyon." Utos ni Jin kay Carl at Francis na nakatago sa gilid ng pinto habang may hawak na makakapal na kahoy, nakaabang kung sakaling bumalik si Thor.


"Idiots, you think after he run the stakes, he'll still have the guts to come back?" Tanong ni Spade at sumingit ako.


"Stakes? Yung nakakaing karne ba iyon?" Natutuwa kong tanong.


"..." Napatampal pa ang iba ng noo.

"We're talking about the stakes here, not a steak." Pagtatama ni Alex at bumusangot ang gutom kong tiyan.

"May padating!" Sigaw ko ng makarinig ng yabag papasok sa silid.


"Siguradong si Thor na yan! Hampasin niyo agad! Wala akong pakialam kong mabagok o mamatay basta maibalik lang sa'kin ang pusta ko!!!" Utos ni Mykel sa dalawang batang ugok, tumango ang mga ito.



Nakaabang ang mga mata namin sa pinto at pinagdarasal na sana mapuruhan si Thor. Hahampasin na sana nila Carl at Francis ang dumating kaso sumigaw na kami.


"SI MS. OCAMPO IYAN!" Sigaw namin ng buong lakas at nabitawan ng dalawang ugok ang dala-dalang kahoy, saktong tumama ang makapal na kahoy sa kanilang mga paa.


"Ouch!"


"Aaaaacccck!"

"What's happening here?! Why did I heard a groan and what's with this woods?" Ginalaw ni Ms. Ocampo ang mga kahoy gamit ang kaniyang takong.

"Hindi namin alam, Ms. Ocampo." Pagsisinungaling ni Ace.



"Really? Hanggang ba naman ngayon na tayo-tayo lang ang andito, magsisinungaling pa kayo? Oh, c'mon!"


"Ms. Ocampo, bakit ba ang init init ng dugo niyo sa'min, e, nagkakasiyahan lang naman kami ng hindi ka dinadamay." Ani Jin. Buti pa ang ugok, marunong tapatin si Ms. Ocampo.

Si Ms. Ocampo ang pinakastriktong guro namin, wala itong patawad kung magbigay ng mga aktibidad at napakasungit, halos mag-isang guhit nalang ang kaniyang kilay dahil sa pagsusungit. At sa lahat ng Class dito sa RIU, kami ang pinakapaborito niyang pagalitan kahit nagtatawanan lang kami at hindi siya ginagalaw.


"Dahil salot kayo sa paaralang ito!"

Sakit nun ah. Tagos ang sakit hanggang atay ko.



Napatayo si Spade. "Ms. Ocampo, do you have a personal problem with Class Turquoise cause honestly, hindi kami ang salot ng paaralang ito. Alam namin kung kailan kami magseseryoso at kailan hindi, we help gained money for the orphanage, malaking pera ang na-i-ambag namin at kapalit ng gastos namin sa venue ay isang trophy-ng mumurahin, nakatanggap ba kayo ng reklamo galing sa CT? Wala diba? We're students here, Falcon Owned this university and the others that you're calling 'salot' has the big shares on this university pero kahit kailan, we never used our power to take advantage of others or to outweighs, wala kang naririnig na reklamo kapag pinapapunta mo kami sa Dean's Office. Yes, we always lied when it comes to you cause you're a grumpy freak--- sorry for the honest term. Then, salot ang itatawag mo sa'min? Ano ba talagang ginawa naming kasalanan sa'yo? Is it personally? Privately?"


Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now