Chapter 37

1.6K 117 13
                                    


Chapter 37: Call


Fia PoV,


LAKAD AKO ng lakad dito sa parking lot, minsan nagpapunta pa ako sa gate ngunit wala parin ang sundo ko.



"Asan na kaya ang gorilyang iyon?" Kinikiskis ko ang aking mga braso. Palubog na ang araw ngunit hindi ko parin natanaw ang sasakyan ni Kuya Yuhan.



Siya ang maghahatid-sundo sa'kin dahil nga grounded ako pero ang hindi ko maintindihan kung bakit wala pa siya ngayon dito gayung nag-iisa nalang ako sa RIU maliban sa mga propesor at guwardya!



Putrages.



Umupo ako sa bench, malapit sa madilim na bahagi ng parking lot. Napakatahimik dito, at napakaboring mag-isa. Tumingin ako sa mga kotse. Bakit ang dami paring sasakyan sa parking lot, e, kunting tao nalang ang nasa RIU?



Pinagsiklop ko ang aking palad, pinipigilan itong mangalikot ng kotse at ibenta--- ano ba itong pumapasok sa isip ko?


"Damn! Bakit ba ganiyan ka?!"


Umalingawngaw sa buong parking lot ang tinig ng isang babae---


Ms. Ocampo?


Dinala ako ng aking paa sa pinakadulo ng parking lot kung saan madilim ng kunti.


Tama nga ang aking hinala! Si Ms. Ocampo, may kausap siyang lalaki, nakatalikod ito sa gawi ko.


"You're the one who's jealous here because of Fia. Ngayon sasabihin mong bakit ganito ako?! I'm just asking what's your problem! Napakaliit ng problema mo! Sa lahat ng pagseselosan mo, bakit si Fia pa?!" Sigaw pabalik ng lalaki. Pamilyar ang tinig nito.


Nag-aaway sila ng dahil sa'kin?


Napatanga ako habang nagtatago sa likod ng isang kotse. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.


"E, bukod kay Fia, may iba ka pa bang bababe na pagseselosan ko?!" Sigaw ni Ms. Ocampo. Hinawakan siya sa pulso ng lalaki at kahit na anong pagpupumiglas niya ay hindi siya nakawala.

Nawasak ako ng makita ang kanilang kalagayan, para na talaga silang mag-asawa. Kilala ko ang lalaki, kilalang-kilala.


Gago!


"Damn it, Trisha Ocampo! Give me a good reason on why do you hate Fia?! And worst! Sa kaniya kapa nagselos! You also called her stupid on your class!" Galit na galit ang lalaki, hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod sa'kin, pero boses niya pa lang--- isa siya sa mga ugok.


"Nagseselos ako dahil kinampihan mo siya kaysa sa'kin! I'm your fucking girlfriend pero pinahiya mo ako sa buong CT!" Ani Ms. Ocampo.


Girlfriend. Tila umalingawngaw iyon sa'king pandinig. Sila na pala. Gagong ugok na ito, may nalalaman pang sekreto. Sana sinabi niya sa'min ng mga kauri niyang ugok na girlfriend niya si Ms. Ocampo, hindi naman kami magagalit kahit pa mas matanda ng kunti si Ms. Ocampo.


"Hindi kita pinahiya, okay? Ayaw ko lang na may tumatawag kay Fia na tanga dahil hindi naman siya ganon."


"See?! You're on her side! Gusto mo ba ang loka-lokang babaeng iyon?!"


Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now