Chapter 31

1.7K 116 4
                                    






Chapter 31: Lugawan








Fia PoV,








"ANONG NANGYARI sa inyo ni Spade?" Isa-isang nagsitanungan ang mga ugok sa'kin, nangunguna ang bitter na tsismoso--- Glenn.







"Nag-away ba kayo?" May papisil-pisil pa si Micco ng aking kamay, animo'y pinapaginhawa kalooban ko kahit ang totoo ay naghahanap lang ito ng topic para sa tsimis na ipagkakalat niya.







"Bakit namumugto mata mo?" Umangkla si Thor sa'king balikat. Naku, kung ginaganahan lang ako manapak ngayon, baka napuruhan na itong si Thor.







Sino ba naman ang matinong lalaki na nagtakas ng pera, pagbalik limang karton na ng pocket books?! Wala! Wala talaga maliban sa loko-lokong ito!











Nabalik sa'min ang mga pusta at may dagdag pang isang libo ngunit gamit ang pera ni Alex dahil ayaw nito ng gulo, siguro naramdaman nitong babasagin namin bungo ni Thor kaya't gumawa na ito ng paraan para matigil ang pinaplano namin.









Hanep rin naman kasi itong si Thor, may gana pang magpakita matapos ng ginawa niya! Muntik ng magsabong si Lawrence at Spade ngunit tinakas niya ang mga pusta! Putangina! Nakakapanhinayang ang laban ni Lawrence at Spade.








Patuloy lang ako sa paglalakad, tapos na ang misa at pinagsiksikan ng mga ugok sarili nila palibot sa'kin para lang makialam sa'min ni Spade.









"Pula din ang mata ni Spade, halatang umiyak." Parang bobo itong si Francis, pinapaalala pa talaga sa'kin. Hindi ba obverse?







Ay mali, obviate yata yun o obvious?












"Fia, pano mo nagawang paiyakin ang isang iyon? Sa pagkaka-alam namin, kahit sili walang talab sa kaniya tapos kayo, nagbulungan lang ang then, finish na! Napaiyak mo na ang lalaking iyon!" Halata sa itsura ni Jerry ang pagkamangha.







"I heard it all, Fia. Kahit nagbubulong-bulongan lang kayo ni Spade kanina, narinig ko lahat." Napatingin lahat ng ugok kay Jin ng nagsalita ito.





Tsimoso rin pala ang kampon ng mga kaluluwa.







Agad na nawala sa paligid ko ang mga ugok, si Jin naman ang pinagkaisahan at pinagbabatao nila ng mga tanong.







"Narinig mo lahat?"








"Weeeeh 'di nga?"







"Share your knowledge naman oh! Parang hindi tayo dito pamilya!"










"Tch, why would I? At isa pa, h'wag niyong pakialam buhay ng iba." Nakatingin lang si Jin sa'kin, bahagya itong ngumiti.









Kahit papaano ay marunong din naman pala si Jin ng salitang privately--- este privacy.











"Gutom na ako, kain tayo lugaw!" Lumapit si Carl sa'kin habang hinihimas ang kaniyang tiyan.







Pinaalis ko kamay niyang humihila sa aking damit. "Wala ka ng ibang bukang bibig kundi puro pagkain." Suminghal ako. "Carl, tiisin mo yang gutom mo dahil walang lugawan dito---"






Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat