Chapter 38

1.7K 121 61
                                    


Chapter 38: Change



Fia's PoV,


"WHAT THE effing fuck did you do to yourself?" Gulat na gulat si Kuya Mark Yuri ng makita ang bihis ko ngayong araw.


"Maganda ba?" Umikot ako habang nakahawak sa laylayan ng bago kong paldang uniporme na nasa taas ng tuhod ang haba.


"A shit miracle." Nakaawang ang bibig ni Kuya Markier, kumakain ng cereal habang nakatingin sa'kin.


"Fia! Go change your uniforms!" Hinampas ni Kuya Yuhan ang lamesa dito sa kusina.


Napatingin ako sa suot ko at ngumuso. Ano naman ang mali kung ganito ang suot ko? Nagpabili ako kanina ng bagong uniporme sa Butler ni Kuya Yuhan. Maiksing palda at hapit sa katawan ko ang blusa. Nagsuot din ako ng may takong na school shoes, nagpagupit narin ako ng buhok, hanggang balikat ko nalang ito. Ibang bag narin ang gamit ko, kung dati ay iyong bagpack, ngayon ay shoulder bag na. Naglagay narin ako ng pulbo at lipgloss at halos ipaligo ko yung pabango sa'king katawan. Nagpa-highlight din ako ng buhok.


Gusto ko lang magbago kaya ko ito ginagawa, para kasing natamaan ako sa mga sinabi ni Ms. Ocampo kahapon na para daw akong manang kung manamit.


"Why are you doing this to yourself? Is there any problem?" Alalang tanong ni Kuya Yuhan ng hindi ko siya sundin na magbihis.


"Kuya, this is the knew me." Sinubukan ko naring mag-ingles.



"New not knew. Damn it! Ano bang nangyari sa'yo?" Lumakas ulit ang boses ni Kuya Yuhan.


"You don't ker." Kinindatan ko ito.


"Nagbebenta ka ba ng kaluluwa?!" Pagalit din ang tono ni Kuya Mark Yuri.


"Nabebenta ba ang kaluluwa?" Takang tanong ko.


"Fia! Your shirt is too short! Lantad na lantad yang hita mo! Why are you doing this?" Ani Kuya Markier.


Hindi ako nagsalita.


"Magpalit ka ng damit. Masyadong hapit sa baywang mo, naiinis ako." Padabog na kumain si Kuya Mark.


"I steal don't ker." Umirap ako. Jusko, sana tama ang pinagsasabi ko.


"I still don't care not steal!" Pagtatama ni Kuya Yuhan.


"Tanggalin mo yang heels na suot mo!" Sigaw ulit ni Kuya Mark Yuri.


"Yang buhok mo, itali mo!" Kuya Yuhan.


"Bakit ka nagpahupit ng buhok? Mas maganda yung mahaba mong buhok!" Kuya Markier.


"May pakulot-kulot pa ng laylyan ng buhok. Tch." Kuya Yuhan.

"Dati hindi ka naman mahilig sa pabango, ah!" Kuya Mark Yuri.


"Itapon mo yang shoulder bag mo! Ibalik mo yung bagpack!" Kuya Markier.


"I hate that violet highlights on your hair! Nagmumukha kang manika!" Kuya Yuhan.


"Bring back the old Fia!" Sabay-sabay nilang asik sa'kin.


Tumakbo na ako paalis sa kusina bago pa nila maisipang tinidurin ako. Mabuti nalang at dumating si Mommy, ang savour--- este savor ko. Si Mommy na mismo ang naghatid sa'kin sa unibersidad dahil ayaw ni Kuya Yuhan, nagtatampo ata ang gorilya sa suot ko.


Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz