Chapter 56

2.5K 146 81
                                    

Chapter 56:

Fia's PoV,

(Scene: BEFORE THE WEDDING)

"Hindi ko hahayaang mawala ang kaligayahan mo, Fia. You love someone else that's why I can't marry you."

Gulong-gulo ako sa pinagsasabi ni Zy. Kung kanina, gusto niya akong pakasalan, ngayon naman, hindi na. Ang gulo ng utak niya!

"Tatanggalin ko na ang singsing?" Biro ko at umaktong kukunin ang singsing para ibalik sa kaniya.

"No! No! No! No!" Hinawakan niya ang kamay ko at ipinirme. "We'll marry."

Tumango ako kahit naguguluhan sa inaasta niya.

Ngunit kaunlanan ay tumayo si Zy, pabalik-balik na naglalakad habang umiiling. "I can't marry you." Ulit na naman niya sa linyahan niya kanina. "Fine, we'll marry!" Pang-iingganyo niya sa sarili, nakatingin lang ito sa sahig habang ang daliri ay nasa panga.

Nagtaas ako ng kilay. Kung magsalita siya, parang lumalabas na ako ang namimilit na magpakasal!

"No, we can't marry! I won't force you. Ayokong makita kang malungkot habang ako ang kasama mo sa iisang bubong."

"Putangina! Naguguluhan na ako sa'yo! Ano ba talaga ang gusto mo?! Pinaglalaruan mo ba ako?!" Pabalang akong tumayo, nanggigigil at nagngingitngit ang ngipin.

Patuloy parin ito sa paglalakad ng paulit-ulit, hinilamos niya ang kaniyang mukha at pinadaan ang daliri sa buhok na para bang hindi niya alam ang gagawin at nagdadalawang-isip.

"Look," panimula niya at huminto sa paglalakad, "I need to save my sister and marrying you is the only option but guilty is creeping into my system when I always think about your happiness. Alam kong hindi ako ang kasiyahan mo, Fia. Matatali ka sa'kin at hindi ko kayang makita ka na may kulang dahil hindi si Spade ang pinakasalan mo. Your true happiness is Spade... while I'm j-just---"

Huminto ito at pinagkatitigan ako. Wala akong nagawa kun'di lumunok ng sariling laway. Nakita ko ang sakit sa kaniyang mata.

"--- I'm ju-just a friend to you." Pabuntong-hininga niyang saad at napaupo sa silya. Nanginginig ang kaniyang kamay na hinaplos ang aking pisngi, dama ko ang mainit-init at komportable niyang palad sa'king balat.

Sa 'di malamang pakiramdam ay parang nasasaktan ako para sa kaniya. "Z-Zy..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin gayung nagiging blanko ang utak ko at walang maisip na salita.

"Fia, I... I," huminga ito ng malalim, inilipat ang paningin sa kamay ko at doon niya marahang hinaplos ang singsing sa'king palasingsingan na daliri, "I... I feel like a rebound." Hirap niyang sambit at malungkot ang mga matang nakatingin sa'kin.

Rebound?

"Zy, ikaw ang nag-imbita sa'kin na magpakasal, hindi ako kaya't pa'no ka magiging rebound?"

"Naisip ko lang, Fia. Naisip ko lang na pumayag kang magpakasal sa'kin para kalimutan si Spade. It looks like I'm a rebound." Mahina niyang wika sa huling salita.

"Zy, gagawin natin ito para sa kapatid mo." Paalala ko.

"D-do I have a chance to enter your heart?" Ang kaniyang mata ay umaasa sa positibong sagot ko.

"H-ha?" Sa lakas ng tambol ng aking puso, nakalimutan ko ang tanong niya. Bakit ba ako kinakabahan?

"N-nevermind."

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Ang kaniyang kamay ay wala paring tigil sa paghaplos sa singsing na nasa daliri ko na para bang iyon ang pinakamagandang bagay na nakita niya.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now