Chapter 27

1.7K 125 13
                                    



Chapter 27: Babysitting 2




Fia PoV,




"AYOKONG SUMALI! Hindi ako sasali sa laro!" Paulit-ulit kong sigaw habang hinihila ng mag-ama, nakatingin lang ako sa pagkain kong hindi naubos.

Baby! Babalik si Mommy!




"Ma'am, a mother and a father should participate in this game. Hindi puwedeng, ang Ama lang ng bata." Nakangiting saad ng Jollibee staff.




"Wala akong anak---"



"Mommy, please? Please?" Nagpuppy eyes sa harap ko si Hanna. Cute niya talaga, mukha siyang aso!


"Uubusin ko lang pagkain ko."



Hinawakan ni Alex ang braso ko. "Fia, remember what our instructor said? Kailangan umuwi ang mga bata na masaya at kung sino ang pinakamasaya sa lahat ng bata ay may prize. You want a prize, right?"

Mukha namang kapanipaniwala itong si Alex  kaya tumango ako at nagpahila. Sobrang saya ni Hanna at ng kaniyang Ama, samantalang nakabusangot lang ako.


Luminya na kami ni Alex kasama ang ibang mga magulang habang pumapalakpak na naunuod si Hanna, may nagbabantay sa kaniyang staff ng Jollibee.


"Fia, smile. I hate it when you're frowning." Hinawakan ni Alex ang magkabila kong pisngi at hinila iyon para uminat ang aking labi.


"H'wag ako, Alex. Nakakabadtrip, iniwan ko ang pagkain ng dahil lang sa larong ito."

"But, Fia. We should do our part as Hanna's parents. Dapat nating pinipili ang kaligayahan ng anak natin kaysa sa pansariling kapakanan."


"Grabe ka naman magsalita, parang may anak talaga ako." Inirapan ko ito.


Nagsimula ng sabihin ng MC kung anong klaseng laro ang lalaruin namin. Binigyan kami ng tag-iisang dyaryo dahil paper dance daw ang lalaruin namin. Pati mechanics ng game ay sinabi na rin ng MC.




Nilatag ni Alex ang dyaryo sa sahig at sumayaw kami ng nagkaroon ng musika. Masayang sigaw ni Hanna ang pumapa-ibabaw sa lahat ng bata.



"Stop!" Tumigil ang kanta kasabay ng pagsigaw ng MC.



Nataranta pa ako, akala ko matatanggal kami sa laro ngunit hinawakan ni Alex ang baywang ko at pinaapak ako sa dyaryo.



"The mechanics of the game is too easy, Fia." Natatawa ito matapos makitang hindi ko alam ang gagawin matapos ang kanta.



Inirapan ko si Alex at lumayo ng magkaroon na ulit ng tugtog. Tinupi niya sa dalawa ang dyaryo. Sa pagkakataong ito ay naintindihan ko na ng maayos ang laro, kasabay ng pagkawala ng tugtog ay ang pagtutong namin ni Alex sa dyaryo. Apat ang natanggal agad sa mga manlalaro na andito at tatlo nalang ang natira kasama na kami ni Alex.



Ako na ang nagtupi ng dyaryo at sumayaw ulit kami, medyo maliit ang dyaryo ngunit dahil maliit rin ang paa ko ay nagkasya kaming dalawa ni Alex at hindi natanggal sa laro.



Sobrang liit na ng dyaryo at dalawang pares ng manlalaro nalang ang natitira, kami at ang nasa katabi namin.




"Paa mo nalang ang magkakasya dito." Paalala ko kay Alex.



Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now