Chapter 55

2.3K 136 27
                                    

This Chapter is dedicated to: missbluelightgirl

Chapter 55: Wedding II


Fia's PoV,


ANONG GINAGAWA NILA DITO?


Sa pagkakaalam ko, hindi sila imbitado sa kasalang ito. Kahit gulat ako na makita si Spade at ang mga ugok ay nagpanggap parin akong walang nagbago sa reaksyon ko simula nang makapasok sa simbahan, nakangiti ako ngunit hindi iyon umabot sa'king puso.


Walang ginawa si Spade kun'di pagmasadan akong lumalakad sa carpet na ibang lalaki ang papakasalan at hindi siya. Hindi niya ako hinatak paalis gaya ng akala ko, ang kaniyang mata ay nanatiling walang buhay at parang andito lang siya para tunghayan ang kasalan na magaganap, hindi para bawiin ako.


Akala ko ba mahal niya ako? Kung tunay ang pagmamahal niya sa'kin, hindi niya dapat ako hinahayaan sa desisyon kong ito at hindi niya rin dapat kaya na makitang ikinakasal ako sa iba dahil masasaktan siya ngunit sa nakikita ko ngayon, mukha pa siyang masaya kaysa malungkot.


Gan'on nalang ba? Porque wala na kami, bibitawan niya narin ako?


Hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman at iintindihin ngayon. Gusto kong pakasalan si Zy para maligtas sila ng kapatid niya at para narin maibaling ko sa ibang lalaki ang aking atensyon dahil hindi lang si Spade dapat ang minamahal ko 'liban sa'king mga kaibigan at pamilya.


Ngunit dahil marupok ako, siguro isang halik lang ni Spade, bibigay na ako at ako pa mismo ang tututol sa kasalan na magaganap--- hindi, hindi, hindi! Hindi ako marupok! Remember? Hindi na ako marupok!


Hindi naman sa nilalahat ko pero bakit karamihan sa mga babae ay marurupok? Karamihan sa babae ay mahirap mag-move on kapag hiniwalayan ng jowa. Akala natin sa kanilang mga lalaki lang umiikot ang ating mundo na sa oras na sila mismo ang magdisesyon na makipaghiwalay sa'tin ay maggigilit na tayo ng hiwa sa'ting pulso.


Samantalang ang mga lalaki, oras na makipaghiwalay sa'tin ay may reserba na agad o 'di naman kaya, kahit may kayo pa, may kumakabit na. Ang dali nilang makahanap ng bago samantalang tayong mga babae, hirap na hirap sa pagpili dahil ang shutrages na ex parin natin ang naiiisip sa bawat araw na nagdaan.


Ang dali para sa kanila na paglaruan ang feelings na'tin dahil karamihan sa mga lalaki ay mga manhid, walang pakiramdam at sariling damdamin lang ang mahalaga!


Ang titigas nila, kahit bumabaha na ang luha natin dahil sa kalambutan, sila nakatunganga parin at nagagawa pang ngumisi!


Isang minuto lang, napikot na agad tayong mga babae dahil sa kinginang matatamis na salita pero ang totoo naman pala, artificial sugar lang ang laman ng kanilang bibig! In short, peke lahat ng sinabi nila, walang katotohanan at hindi nila iyon sinseryoso samantalang tayo, kinikilig na sa chat nilang kasing plastic ng mga lintang tsimosa!


Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy nalang ang paglalakad patungo kay Zy sa gilid ng altar. Simula nang makapasok ako sa simbahan ay napugto na ang hininga ko sa kaba, idagdag mo na ang dahilang masikip talaga ang gown ko at halos danasin ko pa ang haba nito patungong altar. Hindi ko din halos makita ng maliwangan ang dinadaanan at nangngalay na ang kamay ko sa kakagapos ng bulaklak.


Sabi nila, masaya daw kapag naglalakad ka na patungong altar pero putangina, pangangalay ang nararamdaman ko ngayon!


Siguro dahil hindi ako sa taong mahal ko ikakasal kaya ganito ang aking pakiramdam. Parang ni-blackmail ang kalagayan ko, kulang nalang ang baril na dapat nakatutok sa aking sentido para lang pakasalan ko si Zy.


Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now