Chapter 22

1.9K 116 17
                                    

Chapter 22: Break Up Ng Walang Label




Fia PoV,

NAGISING AKO kina-umagahan sa loob ng isang silid na hindi pamilyar sa'king paningin. Lahat ng andito ay puti, galing sa kama hanggang sa kurtina ay masyadong puti, kahit ligaw na alikabok sa makinis at makintab na marmol ay wala ka ding mahahanap.


P-pano kung patay na ako at ito ang afterlife?


"Ganito ba kaganda ang langit?" Tanong ko sa'king sarili dahil mag-isa lang ako sa silid.


Napaismid ako nang may napagtanto. Bakit nga pala ako mapupunta sa langit, e, demonyo ako?

"Kalokohan." Pinatunog ko ang aking dila at nagpunta sa tapat ng isang pinto na sa pagkakaalam ko'y ito ang banyo.



Tama nga ang aking hinala nang buksan ko ang pinto. Tumambad sa'kin ang mga puting gamit pangbanyo.




Nagpasok ako sa loob at naghanap ng mga ulap kung nasa langit nga ba talaga ako. Ngunit wala akong nakita kaya't nilagay ko ang aking mga kamay sa sink.



"Waaaah!" Napaatras ako ng makita ang isang bruha sa aking tapat, sobrang gulo ng buhok nito at may natuyong laway sa gilid ng labi, ang kaniyang mga matang singkit ay mas lalo pang lumiit dahil kagigising palang siguro nito---



Putangina! Nasa loob ng salamin ang katapat ko!




Bobo, ikaw yan! Repleksyon mo yan! Pinagalitan ako ng matalino kong isip.



Nagdikit ang mga kilay ko, hindi tanggap na ganito pala ang aking hitsura kapag bagong gising.




Nahagip ng aking paningin ang lagayan ng mga sipilyo, mga puti din lahat ng sipilyo. Halatang wala pang gumagamit dahil may mga selyo pa ang mga ito.





Kumuha ako ng isa, inalis ko ang selyo at naghanap ng toothpaste. Nakakita ako ng toothpaste sa gilid ng lagayan ng mga sipilyo. Kinuha ko yun, binuksan at nilagayan ng kunti ang sipilyo.






Pagkatapos kong magsipilyo, may nakita din akong suklay kaya't nagsuklay narin ako't tinali ang aking buhok.





Nakakita ako ng sabon, kinuha ko ito at naghilamos. Kumuha ako ng tuwalya para sa mukha at pinunasan ang aking mukha.





Pagkalabas ko ng banyo ay halos tumili ako ng makita si Alex, prenteng nakaupo ito sa kamang tinulugan ko ng may ngiti sa labi.





"Morning, Fia."





"ALEX! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Niyakap ko ang aking sarili. Naalala ko na! Nakatulog ako kagabi sa tabi ni Alex habang nanunuod ng pelikula ni Darak!



Posible kayang---



"Oh, not that thought Fia. I didn't do anything on you."




---tocino ang agahan ng mga ugok?




"Anong ulam?" Tanong ko't umupo sa tabi niya.




"Ace cook---"




"Masarap ang letchon sa agahan pero masyadong pangit iyon sa katawan, kaya't ayoko nun."




"I was saying---"





"Masarap din naman ang ramen, yun parati ang agahan ni Lolo. Pero mas masarap ang pandesal at tinapay sa umaga para pilipinong-pilipino ang dating."





Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now