Chapter 33

1.5K 99 12
                                    








Chapter 33: Adobo








Fia PoV,





"GET IN!!!" Sobrang lakas ng sigaw ni Kuya Yuhan sa'kin, namumula ang buong mukha nito sa galit at lumalabas ang mga ugat sa nakakuyom niyang kamao.




Kulang nalang tumayo buhok niya sa galit para magmukhang Son Gokou.




"Saan? Sa kotse o sa trycicle?" Naguguluhan ako kung anong ginamit nila papunta dito. Mayroon din kasing trycicle sa gilid ng kotse na nasa tapat ng presinto.




"Fia!" Sigaw ni Mykel, kasama nito ang mga ugok na papasok sa dalawang van na itim. Kasabay ko ay nakalaya din sila ng hindi pumaparito sa presinto ang kanilang mga magulang, pano'y nilibre ni Kuya Markier.




Ang daya nila, walang libreng sermon samantalang ako, hindi lang sermon ang aabutin, may kasama pang pektus sa noo at palo ng hanger sa puwet.




Napangisi ako ng may maalala. Wala na pala kaming hanger sa bahay, hindi ko naman ugaling magtago, kaya tinapon ko nalang ang mga ito.



Nilingon ko ang mga ugok, saktong nagthumbs down ang loko. Ang iba nagsenyas na gigilitan ang leeg sabay patunog ng dila.




Napalunok tuloy ako. Mukhang alam nila na ngayon na ang katapusan ko.



Sana may magdala ng kape sa burol ko.




"Bye, Mimi! You can now rest in peace!" Biro ni Lawrence bago sumakay sa van, nagtawanan pa ang mga ito.



Ang sarap nilang bigwasan isa-isa.



"Good luck." Kinindatan ako ni Alex bago sumunod kay Lawrence. Isa pa ang gagong ito. Parang pinapahiwatig niya na ngayon na ang araw ng aking kamatayan.



Napatingin ako sa huling sumakay sa ikalawang van, nilingon ako nito at ngumiti ng kunti. Kitang-kita ko ang matamlay niyang pagkilos, ang mata niyang kulang sa tulog at ang ebedinsiya na parang...


Pagod na siya.


Pagkasakay ni Spade ay sabay na umandar ang dalawang van hanggang sa hindi ko na ito matanaw pa. Nakaramdam ako ng pangamba na baka pagod na nga si Spade sa kakasuyo sa'kin.


Lahat naman tayo napapagod pero sana kahit pagod na, hindi madaling sumuko.


"Are you listening?" Nilapit ni Kuya Yuhan ang kaniyang mukha sa'kin, animo'y isa akong bingi na kailangan pang sigawan. Sa likod ni Kuya Yuhan ay ang kambal na nagkukurutan.


Kinurot ni Kuya Mark ang kaniyang kambal sa tagiliran.


Bumawi si Kuya Markier, kinurot niya ang braso ni Kuya Mark Yuri.


Hanggang sa nagsapakan na sila.



"What the fuck are you twins doing?!" Napabaling si Kuya Yuhan sa kambal ng marinig niya rin ang mga pagdaing nito.



Umayos ang kambal at nag-akbayan ito ng may pekeng ngiti sa labi.



"Wala kaming ginawa ah!"


"We're good here!"


Naningkit ang mata ko ng makitang tumataas si Kuya Mark at papantay sa kaniya si Kuya Markier. Dumausdos paningin ko sa mga paa nila.


Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now