Chapter 51

2.3K 122 18
                                    

Chapter 51: Date

Fia's PoV,

NAGISING AKO ngayong umaga nang napakaganda. Hehehe, iwan pero ganito talaga siguro ang feeling ng may jowa, masaya at--- basta ang sarap lang sa pakiramdam.

Hindi mo siguro nararamdaman ang pakiramdam ko ngayon dahil wala ka namang jowa. Jwk.

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil parating pumapasok sa isip ko si Spade. Magtatakip ako ng unan at titili, hindi ko ito gawain kahit noong kami pa ni Yuwence, pero iba ang epekto ng Hari ng mga ugok sa'kin.

Ano na kaya ang ginagawa ni Spade ngayon? Ganito ba talaga pag may boyfriend? Kailangan lahat ng galaw ni Spade alam ko?

Nabablanko utak ko ngayon, hindi ko alam kung paano haharapin si Spade. Ngayong kami na, ano ba dapat ang sunod na gagawin ng mag-jowa?

Paano ko kaya siya kakausapin mamaya? Haiyst, ang hirap mag-isip, ah, lalo na't maliit lang ang laman ng utak ko. Magkaka-migraine yata ako dahil sa kagagawan ni Spade.

Hanggang ngayon, kinikilig parin ako kapag bumabalik sa ala-ala ko ang pinagsasabi niya kagabi. Maliban lang sa huli niyang sinabi na halos ikaluwa ng utak ko.

"My feelings for you is like an Intercepted Arc, I'm an arc who lies in the interior of an angle of your heart and has infinity endpoints on the angle of your bewitching charm."

Ano kaya ang ibig sabihin niya sa linyang iyon? Bakit hindi niya nalang kasi ni-translate sa Tagalog? Alam niya namang utak pagong ako, dinagdagan pa ang isipin ko sa araw na ito.

Kagabi ko pa yan pinaulit-ulit na i-replay sa utak ko kaso wala talaga akong naintindihan. Bakit ba naman kasi ganoon ang mga banat ng matatalino?

Nagsisimula na akong mainis sa mga matatalino, kunting push nalang, lahat ng kagaya ni Alex at Spade ang utak ay ipapatapon ko na sa mars.

Tapos doon sila maninirahan--- ano ba itong pinagsasabi ko?

Ang point ko lang naman dito ay, ako may jowa, kayo wala! Bwahahaha! Wattpad pa nga!

Gumulong muna ako ng limang beses sa kama bago humarap sa salamin sa banyo.

"Bakit ganito mukha ko? Sabi nila, basta may jowa ka, maaliwalas tignan ang mukha pero bakit ako, haggard? Hindi kaya, sumpa ito?" Nagdidikit ang kilay ko habang nakatanaw sa sariling repliksyon sa salamin.

"May jowa naman ako, ah! Pero bakit hindi ako glooming?!" Kinuyom ko ang face soap dahil sa inis. Baka hindi talaga si Spade ang tamang tao para sa'kin?!

Anong konek?

Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy nalang ang paghihilamos.

Habang naghihilamos ng mukha ay may namuo na namang tanong sa isip ko, tulad ng: bakit ang daming single?

Ang daming tao sa mundo, hindi pa nagkukulang, pero bakit ang iba single nanay, ang iba matanda na, wala pang asawa kahit stable na ang buhay. Bakit kaya, 'no?

Ang iba naman may tililing dahil sa dami ng tao sa buong mundo, ex niya parin ang binabalik-balikan niya.

Dapat, itong mga single na ito ang unang pinoproblema ng may mga katungkulan sa palasyo at senado, kailangan solusyonan nila kung paano magiging taken ang single, kaysa naman sa naghahanap sila ng serial killer dito sa pilipinas, e, wala namang nababalita na may taong pumapatay sa paulit-ulit na paraan.

Teka, bakit ko ba pinoproblema ang mga single? Sa totoo, wala akong paki sa kanila dahil buhay nila iyon pero hindi ko lang talaga maiwasang mag-isip.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now