Chapter 8

2.1K 142 53
                                    

Chapter 8: Parking lot

Fia PoV,

"Y-YUNG ex mo, buhay?" Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kay Jin, pati mga ugok ay nagkumpulan narin.

"She's not my ex, Fia. She's my girlfriend."

Ibang klase, matagal ng patay si Janeit, hanggang ngayon girlfriend parin niya?

"Nakita mo si Janeit? Imposible naman yun, Jin. She died years ago." Wika ni Alex.

"I think so," bakas ang lungkot sa mata ni Jin, "I'm just imagining things," ngumiti ito ng pilit bago lumayo sa mga ugok at nagskate.

"He doesn't know how to move on," umiling si Ace. 

"He always has that guts that Janeit is alive." Nakatingin si Khanz kay Jin.

Nakaramdam ako ng awa para kay Jin, minsan na niyang kinuwento si Janeit sa'kin, namatay ito dahil sa aksidente. Sinisisi ni Jin ang sarili niya dahil kung hindi siya naglasing sa bar, walang Janeit na susundo sa kaniya at walang maaakisdente.

Kahit ganito ako kaloka-loka, gusto ko paring magkaroon ng girlfriend si Jin, kung hindi siya maka-move on kay Janeit, puwes kailangan maibalik si Janeit.

Pano? eh patay na nga yung tao. Ano, huhukayin mo sa libingan ang bangkay ni Janeit? Kinalabutan ako sa isiping iyon.

Napatingin ako sa escalator at sumulyap kay Jin. Pano kung buhay nga si Janeit at siya ang nakita ni Jin?

Napabuga ako ng hangin at pilit umalis sa skating rink. Napangiwi ako ng madapa.

"Need a lift?"

Tumango ako kay Alex, akala ko ay hahawakan niya ang kamay ko ngunit iba ang ginawa niya. Sinampay niya ang katawan ko sa balikat niya.

Putangina?

"A-alex, si Spade!" Baka mag-away na naman ang dalawa.

Napalingon ako kay Spade.

Nakatalikod ito sa gawi ko habang kausap si Khanz. Nanlaki ang mata ng mga ugok ng makita ang ginawa ni Alex.

Inis na pumikit si Khanz at hinawakan si Spade sa magkabilang balikat at pinagsabihan ng kahit ano para hindi mapalingon si Spade sa gawi ko.

"Fia, you always think about Spade. Pano naman ako?" May lungkot sa boses ni Alex.

"Alex, b-baka mag-away kayo."

"Don't worry about it. Saan mo gustong pumunta?"

"Sa labas ng rink," may kailangan akong habulin. Kung totoo ngang buhay si Janeit.

"You're tired?"

Umiling ako, "basta dalhin mo nalang ako sa labas ng rink."

Tumango ito. Naramdaman kong binaba niya ako ng makalabas kami sa rink. Nakahinga ako ng maluwag at dali-daling tinanggal ang sapatos.

"Wait---damn, Fia! Masisilipan ka sa ginagawa mo!"

Hindi na ako umangal ng pina-upo ako ni Alex sa bench at tinulungan akong tanggalin ang skating shoes.

Agad akong tumakbo ng naka-paa patungong escalator.

"Fia! Saan ka pupunta?! Spade, your girl is running barefooted!"

Mas lalo ko pang binilisan ang takbo para hindi mahabol ng mga ugok. Habol ang aking hininga ng huminto sa pagtakbo. Ganun nalang ako kagulantang ng makitang nasa parking lot na ako.

Class Turquoise✓ (TGISOB Book 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now