Chapter 2

1K 48 8
                                    

Late akong nakarating sa school sa sumunod na araw. Isa na namang pagkakamali na nakita ni Mrs. Oropo at nagkaroon kaagad ng punishment. Thirty minutes ng oras niya ang hindi ko na-attend-an. Nakalimutan kong tuwing Friday nga pala ay siya ang first subject namin.

Noong sinabi niyang linisin ko ang buong basketball court, hindi ko nakuhang mag-reklamo. Hindi ko responsibilidad na pakintabin ang lugar na iyon ngunit wala naman akong choice. Kailangan kong sundin ang punishment na binigay sa akin.

Sandali akong nagpalit ng jogging pants at tee sa confort room. Tinali sa mataas na ayos ang buhok pagkatapos maglagay ng panyo sa likod.

"Grabe talaga 'yan si Mrs. Oropo sa 'yo, Pumpkin. Bad blood," ani Isia na siyang nag-aayos ng bimpo sa aking likuran.

Pumunta pa siya rito para lang kausapin ako. Sa labas ay siguradong naghihintay si Carl. Malalim ang pinakawalan kong buntong hininga.

"Ayos lang ako," tanging lumabas sa bibig ko. "Punishment lang ito."

Ang totoo ay kagabi pa ako wala sa aking sarili. Malalim ang iniisip ko, binabalikan ang mga pangyayari sa buhay ko na kinakalimutan na dapat. At an early age, I've been through a lot. Kaya nga ngayon ay wala akong interest sa pag-aaral.

Wala akong pangarap na masasabi kong mataas talaga. Ang goal ko lang naman ay makatapos para makahanap kaagad ng trabaho. Sa ngayon kasi ay wala pang tumatanggap sa akin maliban sa pag-extra ko bilang tindera sa public market.

Mahal ang tuition fee sa paaralang ito. Kung ako ang tatanungin, hindi ko kailangan mag-aral dito. Pero dahil kailangan lumipat, dito ako bumagsak. Si Mama ang nagbabayad kahit ayaw kong gastusan niya ako. Ang perang ginagamit niya ay siguradong galing sa hindi magandang gawain.

Niyakap ako ni Isia mula sa likuran, nananakal. "Strong ka, ghorl?" nang-uuyam siyang natawa.

Hinatid pa nila akong dalawa sa basketball court. Tumanggi naman ako but since mapilit sila at parehong overreact, wala akong nagawa. Minamasahe ni Carl ang balikat ko habang panay ang bulong ng kung ano-anong magic spell daw para hindi ako mapagod. Hinampas ko siya para matauhan sa kakornihan niyang nalalaman.

Nasa entrance kami ng basketball court nang nagsalubong ang paningin namin ni Jian. Kulang na lang ay irapan ko siya kung hindi lang natanto na childish ang ganoon. Nakakadiri na minsan ko siyang iniyakan. Ang mga walang kwentang lalaki pala ay dapat tinatapon sa basurahan, hindi minamahal at iniiyakan.

He was wearing his usual practice attire. Blue jersey na mayroong pangalan ng school sa likod. Unlike sa jersey na sinusuot ng team nila tuwing may laban sa ibang school. I can't be proud that he was my ex-boyfriend.

Hindi namin pinansin ang isa't isa. Wala akong naramdaman. Totoong nagustuhan ko siya pero minahal? Akala ko lang naman pala. I was just infatuated with him.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, sayang naman ang pusong nagmamahal-" Sinampal ko si Carl para huminto sa nakakairita niyang pang-aasar.

Ginitgit ako ni Isia at nakakalokong ngumisi, nang-uuyam din. Sa kanila kong dalawa inikot ang mata. Gusto ko sila sabunutan nang sabay.

"Sinulatan mo pa siya dati ng love letter, ah? Dear, Jian-" Sinampal ko na rin bago pa matapos sa kanyang nakakadiring flashback si Isia.

Hindi ko matanggap na ginawa ko talaga iyon dati. Kung ano man na kakornihan ang nakasulat sa papel na binigay ko sa kaniya, sana ay huwag na niyang maalala. Nakakadiri iyon.

"Ang haba ng hairlalu nitong girlalush na itey, e. Sayang at hiniwalayan ni Jian," ani Carl, nang-aasar lang.

"Puwede bang tumahimik na kayo? Bumalik na kayo sa room, hindi ko kayo kailangan dito."

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon