Chapter 26

440 18 3
                                    

"Hala, gago, walang utang na loob!" Sigaw ni Alvie noong makita ang post ko sa Instagram. Pictures namin at lahat ay puro epic siya. Magwa-wacky kasi tapos kapag pangit siya, magagalit. Masama ang loob na kinalbit niya si Geometry. "P're, pagkatapos kong buhatin sa mythic gaganituhin ako. Nasaan ang hustisya, 'di ba?"

Nakamot ni Geometry ang kanyang noo habang ako ay walang balak na burahin ang post. Sayang ang thirty likes. Bawi naman siya kay Isia at Carl dahil pangmalakasan ang kuha niya roon. Sa akin lang siya minalas. Pake ko ba? Baka nakalimutan na niyang noong birthday ko ay puro epic ko rin ang nilabas niya.

"It's okay. Hayaan mo na, malayo sa bituka," ani Itlog. Big improvement ang pagsasalita niya ng Tagalog. Ang problema, minsan lang din naman siya magsalita. Noong huling bisita namin sa kanila na naroon sa bahay ang iba niyang relatives, halos dumugo ang ilong namin ni Alvie. As in, puro Englisherist ang taong nakilala ko. Nagtatagalog naman pero lamang ang English. Nangako akong hindi na babalik doon.

"Hindi p're, hindi ito okay. I felt betrayed, e! Kaya walang nagkakagusto sa akin, puro pangit na picture ko ang ni-f-flex ninyo!"

"Kailan ka ba kasi naging pogi? Natural na mukha mo ang nakikita nila-"

"Tumahimik ka, Kalabasang hilaw!" Mabilis niya akong binulyawan kaya awtomatiko akong natahimik sa pagsasalita. "Hindi ako natutuwa sa 'yo."

Inirapan ko siya. Sa totoo lang ay buong bakasyon kaming nag-aaway. Nakakapagtaka nga na hindi pa rin kami nagsasawa sa pagmumukha ng isa't isa kahit halos araw-araw kaming magkasama, siyempre para magbardagulan lang.

"Tingin mo ba natutuwa ako sa 'yo? Noong nag-post ka ng pangit kong picture tuwang-tuwa ka. Tapos ngayon na gumanti ako, galit na galit gusto mong manakit."

"Guys, that's enough." Nasapo ni Isia ang kanyang noo. Hindi pa rin ata nasasanay na tuwing nagkakasama kami ni Alvie ay puro kami away. "We're in public place," tila siya nagpapaalala.

"Siya kasi, e!" Sabay naming tinuro ni Alvie ang isa't isa. I make face and, "Pangit mo," I whispered.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Burahin mo 'yon. Kapag talaga nag end season hindi na kita bubuhatin pa-mythic. Asa ka," aniya.

Napatingin ako kay Geometry na tahimik sa isang tabi. Usual him. Hindi namin kasama si Marian ngayon dahil mas nauna siyang nag-enroll dahil may pupuntahan. Sa ngayon nga ay nasa Switzerland na siya, medyo sad boy tuloy ang Kuya mong Geometry.

Hindi naman ako nag-travel during vacation. Wala naman kaming pera ni Mama kaya imbes na magpunta kung saan, sa apartment na lang namin ginagawa ang bonding. Kung lalabas man ay sa malapit lang kami pumupunta, sa hindi kami gagastos ng malaki.

Ang bonding na hindi ko nagustuhan ay noong binigyan niya ako ng treatment. Ang mahaba ko nang buhok ay naging super short. Si Mama raw ang bahala sa akin. Umiyak talaga ako matapos makita ang sarili ko sa salamin. Ayos lang sana kung naging kamukha ako ni Park Bo Young sa Abyss era, pero hindi. As of now ay nasasanay na akong magsuklay ng hanggang leeg na buhok. Nakaka-miss lang iyong mga panahon na tinitirintasan ako ni Isia para pareho kami. Nakakainis talaga.

"E, ano naman? Nandyan naman si Geometry. Ipag-ta-tank ako niyan, 'di ba?" Kinalbit ko para i-inform siya. Tumaas baba ang kilay ko noong nagsalubong ang tingin naming dalawa. "Say yes, Itlog."

"It's difficult to play tank role, Pumpkin. Especially if your teammates are well... bobo. " Nagkibit siya ng balikat.

Sumama ang mukha ko habang si Alvie ay humagalpak ng tawa. Para na rin niyang sinabi na I'm bobo! Hindi kaya! Magaling na akong maglaro pero minsan minamalas sa kakampi kaya natatalo.

"May mga kakampi talaga sa ML na tanga, bobo, gago. Ano ka ba roon, Pumpkin?" Gusto kong suntukin sa bituka si Alvie. "Ako lang ang magta-tyaga na buhatin ka. Ako ang pambansang core."

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now