Chapter 14

410 28 1
                                    

Naging busy kaming lahat two days bago ang final exam. Puro aral muna ang inatupag namin at tila ba wala kaming karapatang mag-break. Hindi na muna kami lumalabas pagkatapos ng klase. Kinailangan kong aralin ang topic mula first week ng fourth grading hanggang sa kasalukuyang inaaral namin.

Walo ang subject namin sa grade nine, at lahat iyon ay kailangang ipasa. Kailangan kong ma-maintain ang pangalan ko sa honor ranking dahil may reward kay itlog. With high honor si Carl nitong third grading, bukod kasi sa perfect ang mga activity and quizzes, mataas din ang score ng projects niya.

Binibigay naman namin ni Isia ang best namin at ayos lang kay itlog na with honors kami, mas mababa compare kay Carl pero ayos lang, base sa kaniya. Hindi naman siya demanding na kailangan lahat kami ay matataas ang ranggo.

Pagod na pagod na ang utak ko pero bawal sumuko. Nasanay na rin naman akong tuwing may exam ay ganito ang nangyayari. Hindi na namin kailangan i-tutor ni itlog. Graduating siya kaya mas importante na makapag-review siya ng sarili.

After ng periodical test ay magpa-practice na sila para sa moving up. Nabanggit niya na rin sa amin na rito siya sa Chowden mag-se-senior high school. Hindi na rin niya masyadong naaasikaso ang basketball dahil nga busy na siya talaga. Nagpapasa na kasi siya ng requirements para makaapak sa stage.

Late na akong pumasok araw ng Huwebes. Ang examination namin ay two days at parehong half day lang. Isa sa maganda sa Chowden ay iyong kapag examination day, tahimik sa hallway dahil most of the students are still reviewing. Nasa classroom lang sila.

Tumatakbo ako, nakatingin sa oras dahil late na. Nang tumingin sa daan ay nakita ko si itlog na naglalakad din, chill habang may hawak na frappe. Awtomatikong lumabas ang ngiti sa labi ko kasabay ng mas mabilis na pagtakbo.

"Geometry!" Sabay bahagyang tumalon at kaltok sa kaniyang ulo. Gulat na napahawak na lang siya roon pero ang bibig ko ay pumunta na sa straw ng iniinom niya. Sumipsip ako sa frappe niya.

"Why are you late?" Gulat pa rin niyang tanong nang nakabawi, hinihimas ang bandang nakaltukan ko.

Tinapos ko muna ang pagsipsip bago siya tiningnan. "Duh, late ka rin naman. Mukha kang itlog na pula." Kumaway ako at mabilis na tumakbo ulit nang hindi na hinihintay ang sagot niya.

Magkaiba kami ng way at building kaya hindi niya ako sinundan. Noong nilingon siyang muli ay naabutan kong nagpatuloy na rin siya sa paglalakad habang sumisipsip sa kaniyang frappe. Huminga ako nang malalim.

"I bought pen, Pumpkin. Purple for you, pink for me and gray para kay Carl." Nilapag ni Isia sa table ko ang ballpen na tinutukoy niyang kulay purple raw.

Nag-aayos pa ako ng bag noong umepal siya. Wala pa ang teacher. Ang hilig niyang mag-sponsor ng new and different pen tuwing exam. Kahit noon pa man, kahit wala naman kaming maisagot. Lucky charm yata pero parang hindi naman.

"Thanks. I like it, Isia." Habang sinusulat sa papel, sinusubukan na agad kung tumitinta ba. Color purple nga ang ink at mayroong star sa top ang pen. Mamahalin na naman ito sigurado.

Malawak siyang ngumiti. "Welcome. I'm planning na later na lang ibigay kay Daddy Jo ang sa kaniya kasi we don't have time na if pupunta pa tayo sa room niya ngayon. Blue ang color and green naman for Marian."

"Huwag mo nang bigyan si itlog. Mayaman iyon, maraming ballpen sa bag. Akin na lang 'yang sa kaniya." Ngumuso ako, pa-cute lang ng slight.

"E!" Sabay layo ng pencil case sa akin kung saan naroon ang mga pen. "Lahat tayo mayroon."

Umismid ako at hindi na siya pinansin. Hanggang ngayon ay nagr-review pa rin si Carl. Naroon sa likod, nakatalikod mula sa amin para siguro maiwasang mawala sa concentration. Sigurado akong nanood na naman siya ng Netflix kagabi kaya nakalimutan mag-review.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now