Chapter 8

491 37 9
                                    

Nakipagkita ako kay Basti sa labas ng Chowden. Hindi ko alam kung bakit umagang-umaga ay tinatawagan na niya ako. Hindi ko sana sasagutan kung hindi lang talaga siya nagpakilala sa text.

Lumabas siya galing sa kulay pulang kotse. Kasalukuyan pa akong kumakain nang tinapay dahil hindi nakapag-agahan kanina bago umalis sa apartment. Minamadali niya kasi ako kaya nakakairita talaga. Ang sarap biglang manapak.

"Good morning, Pumpkin," suot na niya ang malawak na ngiti pero hindi ako natutuwa. Sino ang matutuwa kung minadali niya akong peste siya?

Nakasuot din siya ng school uniform katulad ko, pero magkaiba dahil sa ibang school siya at pumunta lang dito. Papasok na rin siya, dumaan lang dito para kausapin ako. Pinakita ko sa kaniya ang tinapay na kinakain.

"Gusto mo?"

Mabilis siyang umiling, tiningnan ang tinapay. "No, thank you. I already had breakfast before I leave-"

"Edi don't. Arte mo, feeling gwapo." Walang hiya na umismid ako sa kaniya. "Huwag mag-inarte, maraming tao ang nagugutom sa Pilipinas."

Mukha namang nagulat kaya kumuha siya sa tinapay ko. Napairap ako dahil halata naman na napilitan lang siya. Awkward niyang kinagatan iyon habang nakatingin sa akin.

"Satisfied now?" Nagtaas siya nang kilay. "Anyway, I wanted to see you because you did something wrong last night and I wanna inform you about it."

Halos dumugo na nga ang ilong ko kay itlog tapos sasabay pa siya. Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay kailangan ko talaga iyon gawin. "Puwede bang huwag mo akong English-in? Sa totoo lang ay iniipon ko ang dugo ko para kay Geometry mamaya. Siguradong nosebleed na naman ako kapag nagkita kami."

Kumunot ang noo niya. "Sino si Geometry?"

"Frennywap ko. 'Oy, mas guwapo iyon sa 'yo kaya huwag ka, nako!" Tinusok ko ang noo niya. "Flawless skin, handsome face and super bait. Hindi mo tinanong pero gusto kong i-share. Wala kang pake." Sabay irap ko sa kaniya kasi sino ba siya para hindi ko irapan?

Nasapo ni Basti ang sariling bibig. Para siyang natatawa na namamangha. Nahawi ko tuloy ang basa pang buhok at sinamahan ng tusok sa sentido.

"I don't care if that Geometry is more handsome than me," wika niya.

Kumagat ako sa tinapay. "Ano ba 'yong nagawa kong mali? Sabihin mo na agad dahil malapit nang mag-start klase ko. Mag-aaral na ako nang mabuti at wala ka ulit pake sa reason. Hindi ko ibabahagi sa 'yo kahit itanong mo pa sa akin."

Nakita ko siyang hinilot ang noo. Huminga pa nang malalim. "You're crazy," aniya. "That was Nectarine's feedback after you messaged him last night. He told me he wouldn't talk to you again because you're really crazy. And I guess he wasn't lying."

"What?" Namilog ang mata ko, hindi kaagad naintindihan ang sinabi niya. Isa pang English puputok itlog nito. Sobra na akong nai-stress sa pagiging conyo ni Isia tapos Englisherist naman si Geometry. Utak ko laging loading. Bigyan naman nila ako ng break. Uso 'yon.

Tumango si Basti pero loading pa rin ako. Binanggit niya ang pangalan ni Nectarine kaya tila nabuhayan naman ako ng loob.

"Musta nga pala siya?"

Mahina siyang natawa. "The one who messaged you last night is no other than Nectarine."

"Oh, no!" Nasapo ko ang bibig ko kasabay ng pamimilog ng mata. "Legit nga? No lies?"

"Mukha ba akong nagbibiro, Pumpkin? Seryoso nga, para namang baliw 'to. Lah, baliw ka na nga pala talaga-" Hinampas ko sa bibig niya ang tinapay.

"Gagi, totoo talaga? Pero bakit niya kasi ako sinabihan ng bobo? Akala ko siya si Daniel Padilla... " Napaisip ako kahit wala namang isip. Tumalim ang tingin ko sa kaniya nang may napagtanto. "Bakit niya pala nalaman na crush ko siya?"

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon