Chapter 35

652 28 2
                                    

"May balak ka pa bang mag-asawa?" Natatawang tanong ni Nurse Josephine habang sabay kaming umiinom ng coffee.

Alas onse na pero narito pa rin kami sa ospital. Sa totoo lang ay pagod na pagod na ang katawang lupa ko sa dami ng pasyente na dinadala rito kaninang umaga hanggang hapon. Dumadagdag pa ang stress tuwing may pasyente na demanding at pasaway. Kailangan lang talaga ng mahabang pasensiya kapag nasa emergency room ka. Nakakapagod lang talaga.

Malalim ang buntong hininga ko. "Pakiramdam ko hindi na," biro ko.

"Girl, nag-asawa agad ako almost one year pa lang ako sa trabaho. Maganda na i-enjoy mo muna ang buhay dalaga. Mahirap na kapag natali at nagkaroon ng anak. Plus the fact na tiring ang trabaho natin," aniya. "Umuuwi ako sa bahay para magpahinga ng ilang oras. Wala na akong oras para alagaan ang anak ko at pagsilbihan ang asawa ko."

Ang totoo ay ine-enjoy ko pa rin hanggang ngayon ang buhay ko. Sa nagdaang mga taon, hindi ni minsan pumasok sa isip ko na mag-entertain ng lalaki o mag-asawa na. College pa lang wala na akong oras para sa sarili ko. Paano pa ako magkakaroon ng oras sa paghahanap ng lalaki kung sa duty pa lang ay ubos na ang buo kong lakas? Madalas umaga ang duty at matatapos around twelve ng tanghali. Ubos na ang lakas ko lalo na kapag sa emergency room ako na-rotate.

Sa first year ko lang pala mararanasan ang kaonting ginhawa. Dahil noong time na nagkaroon na kami ng duty, ramdam na ramdam ko ang matinding pagod araw-araw. Dumating sa punto na umiiyak na lang ako sa comfort room ng school kapag pakiramdam ko hindi ko na kaya. Pagkatapos ng anim na oras na duty sa ospital, sandaling kakain ng lunch then babalik sa Chowden para um-attend naman ng klase. Hindi pa roon matatapos ang araw ko. Itu-tutor ko pa si Algebra ng dalawang oras at uuwi sa apartment para gumawa ng schoolwork.

Tahimik kong dinala ang cup sa labi para sumimsim sa mainit na kape. Bahagya akong nakasandal sa pader. Tahimik na ang ospital ngayon dahil siyempre, gabing-gabi na.

"Wala pa naman talaga sa isip ko ang pag-aasawa," pag-amin ko sa kaniya.

"How old are you na ba? Sobrang maganda ka, 'te. Kapansin-pansin naman kaya nga tuwing sa OR ka ay naglilipana ang mata ng mga lalaking nurse para panoorin ka."

Mahina akong natawa. Hindi naman ako sobrang maganda, sakto lang. Pero tingin ko nga ay lumilipas na. Tuwing may night out lang kami ng mga kaibigan ko napagtutuunan ng pansin ang aking sarili. Siyempre during day off ko. Sila ang madalas nag-a-adjust para sa akin.

"Twenty-seven pa lang naman ako. Makakahanap pa ako ng mapapangasawa, don't worry."

Gabing-gabi na ako nakalabas sa ospital. Whenever this thing happened, it's either sa condo ako ni Morie tutuloy o kay Geometry ako kakatok. Kanila lang naman ang malapit sa pinagta-trabahuhan ko. Imposibleng kay Isia ako manggambala dahil first of all, ang layo ng condominium niya.

Tahimik ang condo ni Morie pagpasok ko. Alam ko naman ang passcode dahil ilang taon na rin akong nagf-feeling may-ari nito. Nagkakaroon lang dito ng tao tuwing umuuwi siya o kaya'y gagamitin ko para magpalipas ng gabi.

Bumagsak kaagad ako sa kama. I wasn't able to read all the messages I've received the whole day. Si Mama lang naman ang importante kaya siya lang ang nireply-an ko bago magpahila sa antok.

Malakas na sigawan ang gumising sa akin kinabukasan. Kinusot ko ang mata saka dahan-dahang tiningnan ang oras sa wall clock. Mabilis akong tumayo para silipin ang nangyayari sa labas. Umuwi siguro si Morie.

"Fuck you, Alliet. I'm so tired hearing your lame reasons! Paulit-ulit na lang!" Galit na galit si Morie.

Napakamot ako sa leeg. Nakita ko silang dalawa na nakatayo sa hamba ng pintuan. Kunot noo at walang pakialam akong dumaan papunta sa kusina. Sanay na sanay na ako sa ganyan nilang eksena.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon