Chapter 31

516 23 3
                                    

"Did he tell you about our break-up?" Nabakasan ko ang hiya noong tinanong iyon ni Marian sa akin.

Nakatitig ako sa repleksyon niya sa salamin. Nagkita lang kami accidentally kanina at inaya niya ako rito. Akala ko nga balak niya lang ipakita sa akin ang paglalagay niya ng foundation sa mukha. Hindi naman pala.

"Hindi. Walang nagtatanong sa kaniya at hindi naman siya nagsasalita," pagsasabi ko ng totoo.

Ang totoo, sobrang secure ang privacy nilang dalawa ni Geometry. Nag-break sila ng tahimik at noong nalaman namin na wala na sila, hindi kami nagtanong ng about doon dahil ayaw naming manghimasok. Naghintay kami ng magsasalita, willing na ibahagi sa amin ang tungkol doon at si Marian ang gumawa. Until now, wala pa rin sinasabi si Geometry. Hindi ko nga alam kung alam niyang alam namin na wala na sila ni Marian.

"Maybe he never wants to talk about it anymore," malalim siyang huminga. "You're his best of friend, Pumpkin. Sa lahat ng oras, ikaw ang laging mas matimbang sa lahat. Nakakapagtaka lang na kahit sa 'yo ay hindi niya sinasabi."

"Marian, enough na 'yong narinig ko galing sa 'yo ang dahilan. Bakit pa ako magtatanong sa kaniya, hindi ba? You are also my friend kaya may tiwala ako sa bawat salita mo." Nahihirapan akong lumunok. Kahit madalas akong may nararamdamang pait sa dibdib ko tuwing nakikita silang masaya, never akong nag-isip ng hindi maganda. Sobra ang respeto ko sa kanilang dalawa ni Geometry. Hanggang ngayon ay narito pa rin sa akin ang respetong iyon. "And because I am his best of friend, dapat alam ko na ang lahat. Sana aware ka kung gaano kataas ang respeto ko kay Geometry."

"You respect him kaya never kang nagtanong?" Nagtaas siya ng kilay at tumingala. "It's been five months since the break-up happened. Ang bilis ng panahon. Kumusta na ba siya, Pumpkin?"

Hindi ko masagot. Kumusta na nga ba si Geometry? Sa sobrang galing niyang magkubli ng tunay na nararamdaman, hindi ko na alam kung kailan siya malungkot. 'Yong dating pagbabago na nakikita ko sa kaniya, katulad ng pagiging mainitin ng ulo, dahil kay Marian. Hindi ko alam ang tunay na kwento nila but I'm hundred percent sure na nagiging worse si Geometry dahil sa kaniya.

"Ayos lang, I guess. Hindi naman humihingi ng comfort-"

"Ganoon naman siya, 'di ba? Tahimik lang madalas sa nararamdaman at parating nakukuntento sa pagtatago. Dapat kilala mong mabuti si Geometry para alam mo kung kailan niya need ng comfort at kung kailan hindi."

Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi ko pa nga ata talaga siya kilala ng lubos. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pa namin pag-usapan si Geometry ngayon. Nakita ko siyang ngumisi sa kawalan.

"Kung hindi pa rin siya nagsasalita about sa break-up namin, marahil hanggang dulo ay gusto niya pa rin akong protektahan. Nakakatawa."

Diretsong kumunot ang noo ko. Ano ang nakakatawa kung sakaling gusto nga siyang protektahan ni Geometry? Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon. Tila may gusto siyang ipahiwatig na hindi ko makuha.

Hindi ako nakasagot dahil may pumasok sa banyo. Sinulyapan kami ni Marian saka nakayukong binuksan ang isang cubicle. Pahalukipkip kong binalik kay Marian ang atensyon para lamang mapanood ang dahan-dahan niyang pagpahid ng lipstick sa labi.

"Kung magsalita ka naman ay parang hindi mo siya minahal. Nakakatawa ba para sa 'yo na pino-protektahan ka niya?" mahina kong tanong. "Just in case."

Nagtaas siya ng kilay bago niligpit ang mga gamit. Pasimple at tahimik kong pinanood ang bawat galaw niya. Hindi ko na rin masyadong nakakasama at nakakausap si Marian dahil bukod sa hindi na siya nagpaparamdam, hindi rin sumasama tuwing iniimbita sa hangout. Pakiramdam ko nga umiilag.

"Take care of him, Pumpkin."

Kahit hindi niya sabihin, sikreto ko iyong gagawin. Ganoon naman ako. Pasimpleng ginagawa ang makakaya para kay Geometry. Hindi ako maaaring maging extra expressive dahil baka matunugan niyang may nararamdaman ako para sa kaniya. So far, ayaw kong malaman niya dahil I'm completely fine having him as my friend. Kumbaga, gusto ko siya ngunit mas gusto kong maging magkaibigan lang kami.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Where stories live. Discover now