Chapter 27

422 25 7
                                    

"Anong ginawa niya rito, Ma?" Puno ng pagpipigil kong tanong.

Kagagaling ko lang sa school nang maabutan ang sasakyan ng ama ni Dina sa ibaba ng apartment. Alam kong siya dahil dating Mayor, isa pa ay may hawig kay Dina.

Umiwas si Mama ng tingin. "Wala, anak-"

"Ma," halos tunog nakikiusap ako. "Anong ginawa niya rito?"

"Kinamusta niya lang ako. Bukod doon, wala na. Pinaalis ko siya kaagad-"

"Dahil alam mong hindi ako matutuwa kapag naabutan ko siya, ganoon ba? Ma, umamin ka nga, nakikipagkita ka pa rin ba sa kaniya?" Bahagyang tumaas ang timbre ng boses ko.

Nagbago na siya, I'm sure of that. Ang totoo ay nakita ko si Dina isang araw sa mall ngunit hindi naman kami nag-usap. Dinaanan namin ang isa't isa, na para bang wala kaming pinagsamahan kahit paano. Grade twelve na ako ngayon pero 'yong nangyari noong grade ten kami ay sariwa pa rin sa isipan ko, pilit ko man kalimutan. Sinaktan ni Mama si Dina at ayaw ko nang maulit iyon. Kung patuloy siyang makikipagkita sa lalaking iyon, dalawang tao ang masasaktan niya, hindi na lang si Dina, kasama na ako.

"Hindi, Pumpkin. Hindi na ako nakikipagkita sa kaniya, o kahit na kanino. Hanggang ngayon pinapatunayan ko pa rin sa 'yo na magbabago ako."

Gusto kong maniwala pero may parte sa puso ko na ayaw. "Buong-buo na ang tiwala ko sa 'yo, Mama. Sana huwag mo na iyong sirain dahil hindi ko alam kung hanggang ilang chance ang kaya kong ibigay."

Mahigpit niya akong niyakap. Nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan, hindi gumalaw. Pinipigilan ko ang sarili na magalit sa nadatnan ko.

"Hindi na ako gumagawa ng hakbang na ikasisira ng tiwala mo. Sadyang makulit lang si Reynaldo, pero ayaw ko na. Ikaw na ang paulit-ulit kong pipiliin, Pumpkin. Hindi na kita ipagpapalit sa iba."

Naantig ang puso ko. Naniwala ako na magbabago siya at ginawa naman niya. Sana lang talaga ay huwag kainin ni Mama ang mga sinabi niya. Aasahan ko iyon and in case na masira, masasaktan ako ng sobra.

Mas stressing ang grade twelve kaysa eleven. Classmate pa rin naman kami ni Morie pero madalas ay magkaaway kami sa larangan ng academic. Hindi rin naman kasi talaga siya nagpapatalo sa akin. Walang kaibi-kaibigan sa recitation. Minsan ay natatalo niya ako pero wala namang hard feelings. Pagkatapos ng klase ay magkaibigan na ulit kami. It's just that pareho kaming competitive.

Dahil sa pag-aaral ay literal akong nawalan ng interest sa mga lalaki. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang wala lang akong natitipuhan ng tunay. Kinikilig din naman ako pero ang isip ko ay nawala na sa love. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

May boyfriend na sina Morie at Isia ngunit ako ay nanatiling single. Makailang ulit nila akong nireto sa mga kakilala nila o pinsan, wala talaga, hindi ko sila magustuhan. Kinikilig ako sa umpisa at pagkalipas ng almost one week, wala na akong gana. I'm kind of weird.

"Pupuntahan ko si Mama," imporma ko kay Alvie habang naglalakad kami pababa ng building.

Isa pa ang taong ito. Stress na nga ako sa thesis, stress din siya sa father niya. Halos araw-araw nang wala sa sarili at puro rant ang ginagawa tuwing nagkikita kami.

"Siguro sawa ka na sa mga pinagsasabi ko," aniya.

Halos umirap ako sa hangin. Oo, nagsasawa na talaga ako. Hindi ko lang masabi dahil need niya ng kausap o mapaglalabasan ng sama ng loob. Alangan naman kasing kay Carl, 'di ba? Ang mga kaibigan namin ay pare-parehong busy sa kanilang mga jowa. Imposibleng kay Geometry o Marian dahil ang dalawa ay pareho nang college. Hindi na nga namin nakakasama sa lunch. During Saturday and Sunday na lang. Minsan nga ay hindi pa sumasama, may sariling lakad.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon